DIEGO, AMINADONG 8 MONTHS NAGPA-REHAB
ni Julie Bonifacio @Winner | February 25, 2024

Matapang na inamin ng aktor na si Diego Loyzaga na sumailalim siya sa rehab.
Sa guesting ni Diego sa Fast Talk with Boy Abunda nu'ng Biyernes, ikinuwento niya ang kanyang naranasan nang magdesisyon siyang magpa-rehab, gayundin ang kanyang mga natutunan dahil dito.
Pag-amin ni Diego kay Tito Boy, "I will not be a hypocrite in front of you, and in front of our audience, I did go to rehab, definitely."
Inamin din ni Diego ang dahilan kung bakit siya nagpa-rehab.
"If you’re already a person with a problem, meron kang pinagdadaanan and there’s other substances, other factors that are pulling you down, it’s a hard bit to crawl out of," aniya.
Aniya pa, napapaiyak na lang siya 'pag inaalala ang mga panahong nasa rehab siya.
"I go back to that pain. It was eight months until I saw the moon, the sun. I'm not shunning my rehabilitation, I owe them my life. Pero you’re kind of trapped inside, hindi ka makakalabas until you get to meet your family again. That was the saddest thing," kuwento ni Diego.
Ang magandang naidulot daw ng pagpapa-rehab niya ay natuto siyang pahalagahan kung ano ang meron siya. Nagkaroon daw ng purpose ang buhay ni Diego at binago siya ng karanasan niyang ito.
Ani pa ni Diego, gusto niyang maging mental health advocate at gamitin ang kanyang platform para maibahagi sa iba ang kuwento niya.





Comments