Dibdib ni Marco, proud na dinilaan... HIRIT NG NETIZEN: SHARON, NAGWAWALA DAHIL LAOS NA
- BULGAR
- Jun 20, 2021
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 20, 2021

Aware si Sharon Cuneta na marami ang nang-bash sa kanya sa trending at nag-viral na mga larawan nila ni Marco Gumabao.
Ito ‘yung tequila body shot scene nila ng kanyang leading man sa pelikulang Revirginized.
Matatandaang nag-post ang direktor ng Revirginized na si Darryl Yap ng tatlong larawan sa Facebook page nito na kuha mula sa beach party scene ng pelikula.
Sa nasabing scene ay makikitang halos lumuwa na ang boobs ni Sharon sa kanyang suot at dinilaan pa niya ang asin sa dibdib ni Marco.
Bagama’t marami ang na-shock na hindi sanay makita si Sharon sa ganu’ng eksena, at the same time ay na-excite rin naman sila at nagsabing panonoorin nila ang movie.
Ang dami ring napa-“Sana all” at “Oh, my God” sa mga nasabing larawan.
Pero may mga netizens na hindi nagustuhan ang ginawa ni Sharon at ‘nahalayan’ sa eksena.
Sey ng isang basher, ‘nagwawala’ na raw ang aktres dahil laos na.
May nagkomento ring late bloomer daw si Megastar.
Sa kanyang Instagram account ay ini-repost ni Sharon ang isang post ng fan na nagsasaad na nag-trending siya sa Twitter sa topic na “Mega is Revirginized.”
“Oh! Pawi, basta napag-usapan na natin, ha? Papanagutan mo itong pagbubuntis ko raw, sabi ng mga walang magawang sinungaling! Basta agree na tayo, akin lahat ng may polka dots, ha?! Hahahahahaha!” bungad ng caption ni Sharon.
Ang tinutukoy niyang Pawi ay ang karakter ni Marco sa pelikula.
Patama ni Mega sa mga bashers, “‘Wawa naman tayo, Pawi, pero mas ‘wawa sila! Aba, proud ako machismis na boypren kita! Ibig sabihin, puwede pa ‘kong ma-crush ng mga puwede kong i-cougar! AHAHAHAHAHAHA!”
Sey pa niya, dedma na lang daw siya sa mga bashers.
“Bashers din ang ‘di nakaka-realize na kina-canfeerm (confirm) nilang kyut pa ‘ko! Hahahahahaha! Basta I will believe you and I will not mind them. And I will keep reminding myself that ‘I still got it!’ HNAAAAAAAKS!!!
“‘Di kasi muna mag-isip ang mga bashers na ‘yan! Sabi nga ni Direk – ‘Bakit ang mga bashers, ampapanget?!’ Hahahahahahaha!!” saad pa ni Mega.
Sa isa pang post ay nagbigay naman si Sharon ng mensahe sa kanyang mga bashers.
“At sa mga bashers, ‘pag 55 na kayo at malapit-lapit ang itchura n’yo sa akin ngayon, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo! Hahahahaha!” sey niya.





Comments