top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Diaz, nasa Malaysia na maghahanda para sa IWF

  • BULGAR
  • Oct 17, 2021
  • 1 min read

ni MC - @Sports | October 17, 2021




Nakaalis na si Olympian Hidilyn Diaz papuntang Malacca, Malaysia para paghandaan ang 2021 International Weightlifting Federation (IWF) World Championship na sisikad sa December 7 sa Tashkent, Uzbekistan.


Makasasama ni Diaz sa Malaysia ang kanyang coach at nobyo na si Julius Naranjo kung saan engaged na ang dalawa para sa training camp sa parehong private at isolated na tahanan at pasilidad kung saan ito nag-training para sa pagsabak sa 2020 Tokyo Olympics.


Mahalaga umano para kay Hidilyn ang manalo ng world title dahil ito na lang ang karangalang nawawala sa kanyang makulay na koleksiyon. Mayroon ng gold medal ang Zamboanga pride matapos itong magwagi sa women’s 55-kg weightlifting event sa katatapos na Summer Games upang maging unang Pinoy athlete na kumuha ng ang nasabing karangalan.


Nakapag-uwi na rin si Diaz ng silver sa 2016 Rio Olympics kung saan nakatipon ito ng puntos na 200 sa likod ng gold medalist na si Hsu Shu-ching ng Chinese Taipei. Nagkaroon na rin si Diaz, 30, ng Asian Games at Southeast Asian (SEA) Games gold medals matapos magkampeon sa 2018 at 2019 editions, ayon sa pagkakasunod-sunod. Regular na lumalahok si Diaz sa World Championships pero tanging bronze lamang ang naiuuwi nito matapos malagay sa third place sa 2015, 2017, at 2019 edisyon ng palaro.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page