‘Di totong hiwalay na… ARJO AT MAINE, JOIN SA DINNER NG PAMILYA ATAYDE
- BULGAR

- 4 days ago
- 4 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 1, 2026

Photo: Arjo at Maine - Sylvia Sanchez - Instagram
Nag-celebrate ng kanilang wedding anniversary ang power couple of all times na sina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde kamakailan.
Sa Facebook at Instagram ng veteran actress ay ipinost niya ang kumpletong larawan ng Atayde Family at nilagyan niya ito ng caption na: “Thank you kiddos for surprising us last night. Love you all!
“Happy anniversary again my husband, Art-pangit (‘yan ang lambing ni Ibyang kay Papa Art). Love you most!”
Pinatunayan din sa nasabing larawan na walang katotohanan ang balitang hiwalay na sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza.
Kaya sana, huwag nang bigyan ng kulay ang hindi umano pag-attend ni Maine sa nakaraang kaarawan ng kanyang father-in-law at ng sister-in-law na si Ria Atayde.
Ang gandang pagmasdan ng happy family na kumpleto sa iisang frame.
Sa gitna ng krisis, todo-bakasyon abroad…
KATHRYN, NAGDYOWA RAW NG TRAPO, BAD SHOT SA NETIZENS
Heto pa ang isang resibo kung saan makikita naman ang larawan ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo kasama ang rumored boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala sa Bangkok, Thailand.
Matagal nang kumakalat ang tsismis na nag-uugnay sa dalawang personalidad, pero nananatiling tahimik lamang sila sa isyu.
Nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Kathryn noong Marso 26. Nag-birthday trip siya patungong Thailand at kasama nga raw ang pulitikong boyfriend sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa ibang bansa.
Noong Marso 31, isang netizen ang nagbahagi sa Reddit ng diumano’y larawan nina Kathryn at Mark sa airport.
“Namataan sina Kathryn at Mark sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok, Thailand. After a week ng pag-stay sa Thailand (Chiang Mai at Bangkok), papunta na sila ngayon sa kanilang second destination,” isinulat ng netizen sa caption.
Umani ng batikos ang rumored boyfriend ni Kath dahil sa pagsama nito sa kanyang birthday trip.
Sey ng isang netizen, “Mas ginugol pa n’ya ang oras sa ibang bansa sa gitna ng krisis sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.”
May ilan ding bumatikos kay Kathryn dahil sa koneksiyon nito sa pulitikong inaakusahan ng katiwalian.
“Grabe rin si Kath, ‘di na nga ginagamit ang influence n’ya for political stand, dyodyowa pa ng trapo. Diyos ko!”
“Overnight uli ang mga fans na linisin ang imahe ni trapo mayor and apolitical GF.”
“Isipin mo, government official ka, tapos may energy crisis sa bansa mo, pero travel goals pa rin ang peg.”
Ganern?!
May narinig na raw, pinabayaan lang…
DOMINIC, SISING-SISI NA ‘DI NAILIGTAS SI RICO YAN
INALALA ni Dominic Ochoa ang huling gabi kasama ang kaibigang si Rico Yan (SLN) at nilinaw ang mga maling impormasyon sa social media tungkol sa nangyari sa Dos Palmas sa isang special interview ni Susan Enriquez.
Ayon sa aktor, bago niya natagpuang patay na si Rico, may narinig siyang kakaibang tunog mula sa kabilang kama — parang hirap sa paghinga o malakas na paghilik.
Inakala raw niyang mahimbing lang na natutulog o binabangungot ang aktor kaya hindi niya agad ito na-check — isang bagay na pinagsisisihan niya hanggang ngayon.
Mariin ding pinabulaanan ni Dominic ang mga lumang isyu tungkol sa umano’y ‘bisyo’ o ‘overdose’ ng drugs.
Iginiit niyang disiplinado si Rico at ang nangyari ay isang hindi inaasahang medical emergency — pancreatitis.
Pagdating sa personal na kalagayan, sinabi ni Dominic na bagama’t masakit ang pinagdaanan nitong breakup kay Claudine Barretto, layunin ng kanilang Palawan trip ang mag-move on.
Wala rin umanong katotohanan ang mga espekulasyon na sinadya ang pagkamatay nito, dahil marami pa sanang plano si Rico para sa kanyang negosyo at karera.
Pinasalamatan ng netizen si Dominic sa pagbabahagi ng huli nilang pagsasama ni Rico.
Sey ng mga fans:
“Thank you! Now I know the whole truth! I believe Dominic Ochoa’s statement kasi binanggit n’ya ang Diyos at imposibleng gagamitin n’ya ang Diyos para lang sa sarili n’yang interest!”
“Sorry pero nakakainis magkuwento si Dom, ang layo ng mga sagot. Naka-tatlong ulit na si Susan magsabi na ‘Kuwentuhan mo kami nu’ng nasa Dos Palmas kayo,’ pero ‘di niya pa rin maikuwento nang diretso.
‘Kaloka!”
Sinagot siya ng isang commenter, “It’s a traumatic experience for him. Wala ka bang common sense?”
“I still remember this was really big news. Nagkaroon ng news break during Holy Week because of Rico. I love their last movie ni Claudine na Got to Believe. He was on the peak of his career.”
“Palabas pa ‘yung pelikula n’ya nu’ng namatay s’ya. Marami nang nanood, blockbuster na.
Nu’ng namatay s’ya, mas marami pang nanood.”
“It’s been decades pero ang sakit pa rin. I remember coming home from a night out when I heard this sa pilahan pa ng jeep. Nag-iiyakan kaming mga nakapila.
“Imagine, fans lang tayo, paano pa kaya for those who were blessed to have known Rico on a personal level. He will always be my biggest heartbreak.”
“I still remember this too when it all happened. It was heartbreaking. I also remember the article that Dominic was referring to. I remember reading it on PEX. I always thought it was Claudine’s camp that leaked that to make way for her relationship with Raymart (Santiago).






Comments