top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di talaga pinaghandaan... NEIL, NANGHIRAM LANG NG SINGSING SA ANAK SA KASAL NILA NI ANGEL

  • BULGAR
  • Aug 16, 2021
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 16, 2021



Marami palang experiences sina Angel Locsin at Neil Arce sa simple civil wedding nila.

Hindi akalain ng celebrity couple na marami rin daw palang kinakailangan kahit na civil lang muna ang kasal.


Akala raw ni Neil ay basta lang pupunta sa office ng magkakasal sa kanila, pero marami raw pala silang mga papeles na dapat asikasuhin. Naroong hinahanapan din sila ng wedding ring, pero wala silang maibigay kay Mayor Lino Cayetano na nagkasal sa kanila.


Ang ginawa nila ay ang engagement ring muna ni Angel ang ginamit samantalang si Neil na walang singsing ay ang singsing ng anak ang isinuot.


Ikinuwento rin nila ang memorable na pagpila sa elevator patungo sa venue ng kasalan.

Ayon kay Mrs. Arce, simple pero rock daw ang kanilang kasal na dinaluhan ng malalapit na tao sa kanilang puso.


"Kami lang siguro ang bride at groom na pumila sa elevator bago ikasal," pagbabahagi ni Neil.

Kasama nina Angel at Neil si Dimples Romana at ang mister nito sa loob ng elevator.


"Siyempre, apat-apat lang dahil pandemic ngayon, dala-dala niya ‘yung bouquet niya. Pumipila kami ng elevator hanggang turn namin na umakyat," dagdag pa ni Neil.


Ayon naman sa aktres, memorable ang araw ng kanilang kasal dahil kasabay ito ng pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng gold medal sa Tokyo Olympics na siyang napag-usapan nila sa simpleng reception.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page