'Di sumuko hangga't 'di siya nakukuha… KYLINE, UMAMING MAGDYOWA NA SILA NI MAVY
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 24, 2021

Nagsalita na finally sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa tunay na estado ng kanilang relasyon ngayon.
Matatandaang umamin na rin naman si Mavy in his past interview na nanliligaw siya kay Kyline.
Sa latest vlog ni Kyline ay magkasama nilang sinagot ang mga tanong ng fans at isa na nga rito ay kung in a relationship na ba sila ngayon.
Si Kyline na ang sumagot. Aniya, “It's a yes. It's like friendship na relationship, guys. There are a lot of types of relationships. Kung ano'ng meron kami ngayon, it's really our own.”
Sumunod na tanong ay kung ano ang nagustuhan nila sa isa’t isa.
“He's always there even though ilang beses ko na siyang ipinu-push away. Guys, kung alam n’yo lang, he’s always there and I'm not going to deny, I took advantage of it. I just feel so guilty and sorry about that… like hindi ko siya ever binigyan ng chance to show himself to me,” sabi ni Kyline.
Ayon naman kay Mavy, ang gusto niya kay Kyline ay inaamin nito ang mga pagkakamali.
“Nakikita na niya at inaaral na niya 'yung mga mistakes at imperfections niya. At aminado naman siya roon,” he said.
Tinanong din si Mavy kung kelan nito na-realize na gusto niyang dyowain si Kyline.
“May event kami na pinuntahan with Cassy (his twin sister) tapos kasama ko si Kai (tawag niya kay Kyline)… and after that, 'yun lang, tumibok na 'yung puso ko in a different way,” kuwento ni Mavy.
Sa comments section ay nagkagulo ang kanilang mga fans at super-kinilig sila sa dalawa.
Nagustuhan ng kanilang mga supporters ang genuineness nina Kyline at Mavy and wish nila na ma-develop at mag-evolve pa ang relasyon ng dalawa.





Comments