top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

'Di sinukuan hanggang makuha… DONNALYN, BUMIGAY DIN KAY JM

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2023
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 13, 2023



Grabe ang kilig ng mga fans sa latest vlog ni JM de Guzman na in-upload last Friday sa kanyang YouTube channel.


Mapapanood sa vlog ang first date nila ng nililigawan niyang si Donnalyn Bartolome na may titulong JM and Donnalyn’s Not So Friendly Date.


Sa pagsisimula ng video ay maririnig ang voice over ni JM kung saan ay sinasabi niyang pumayag na raw si Donnalyn na makipag-date sa kanya.


“Matagal kong hinintay ‘tong araw na ‘to. Ilang beses ko na siyang tinanong tungkol sa date na ‘to simula Mayo, 2022 pa lang,” simula ni JM.


Laging ‘hindi’ raw ang sagot ni Donna sa date na hinihingi niya.


“Kung pagiging kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin, kuntento na ‘ko… makasama ko lang siya,” saad pa ni JM.


“Ay, hindi. Liligawan ko siya. Niligawan ko siya. Dalaw ako nang dalaw, baka sakaling dumating ‘yung araw na pumayag na siya.


“Lumipas ang isang taon at dalawang buwan, Hunyo, 2023 pumayag na siya,” kuwento ni JM.


Sa kanilang first date ay nag-cruise sila sakay ng private yacht at halatang pinaghandaan naman talaga ni JM ang kanilang date.


At one point ay tinanong ng aktor ang dalaga kung puwede ba silang mag-holding hands at super-pakipot naman si Donna, mag-bato-bato pick muna raw sila at kung mananalo si JM, papayag siya.


Nanalo naman ang aktor kaya naka-holding hands din naman niya ang nililigawan.


Sa gabi ay may dinner set-up pang inihanda si JM at dito ay nasabi ng aktor na first time raw niya itong ginawa.


Tinanong ni Donna ang aktor ng “Bakit ako?”


Sagot naman ni JM, “Tulad nga ng mga sinabi ko sa ‘yo kanina, you bring light pero masyadong pa-cute ‘yun. Pero nai-inspire mo nga ako.”


Sa huli ay sinabi ni Donna na na-appreciate niya ang ginawa ni JM at sinabihan ang aktor na bilib siya dahil hindi pa rin sumusuko sa panliligaw.


“Ilang taon pa ba?” tanong ni JM.


Sabi naman ni Donna, “Gaano katagal ba ang kaya mong hintayin?”


Sey naman ni JM, “Hindi ko nga naisip ‘yun, eh. Na nag-aantay ako.”


Nagpasalamat si Donna sa aktor sa surprise na ibinigay nito at sagot naman ni JM, “I’m happy na happy ka.”


Sa comment section ay napakaraming nagkomento na bagay na bagay ang dalawa at wish nila na sana’y magkatuluyan ang mga ito.


“Sobrang mapi-feel mo 'yung sincerity ng love ni JM kay Donna!!! From start hanggang matapos 'yung vlog, naka-smile na teary-eyed ako!!! Waaaaah! In God’s perfect time. Surely God will grant your heart desires, JM!” komento ng isang netizen.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page