top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Di sanay umarte sa movies… BARBIE, MAS GUSTO NG AWARDS KESA BOX OFFICE MOVIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2024
2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 5, 2024



 

Inamin ni Barbie Forteza na awards ang mas gusto niya kaysa sa box-office project.


Isa kasi ito sa mga napag-usapan nila ni Kim Chiu sa kanilang first ever collaboration nang mag-guest si Barbie sa vlog ni Chinita Princess.


“Siyempre, awards kasi para sa sarili mo ‘yun, eh. Sa ‘yo ‘yun. Nakalagay ang pangalan mo doon sa trophy. At saka ‘yun naman talaga ‘yung dahilan kung bakit gusto kong mag-artista.


Gusto ko talaga ng awards. Gusto kong maging actress talaga,” sey ni Barbie.


Aniya pa, mas gusto raw niyang gumawa ng teleserye kaysa movie dahil dito siya mas sanay.


“Mas nasanay ako sa teleserye kasi wala akong masyadong movie so hindi ako masyadong nasanay sa disiplina ng paggawa ng pelikula,” aniya.


Sey pa niya, “Kasi kapag teleserye, mas sanay ako na 30 sequences a day, tapos mabilisang shoot lang. Kapag pelikula kasi, kaunti lang eksena pero paulit-ulit kasi maraming anggulo.


So iyong emotions, hindi pa ako ganu’n kasanay na mahabaan to get to that level of emotions again and again para maging raw ulit. Mas sanay ako sa mabilisan, tapos move on na.”


Between bida or kontrabida, mas gusto raw niya ang una.


“Para sa akin, mas naiintindihan ko ‘yung buong istorya kapag ikaw ‘yung bida kasi ‘di ba, iikutin mo ‘yung lahat ng characters?” she said.


Anyway, sobrang ‘kaaliw ang tsikahan nina Kim and Barbie dahil as we all know ay pareho silang bubbly, kalog, may sense of humor at pala-tawa. Kaya naman puro tawanan at biruan ang kanilang usapan but at the same time ay may sense rin especially kung paano sumagot si Barbie sa mga tanong.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page