top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di sa probinsiya umuwi, nag-abroad… TISOY NA AKTOR, GUWAPO LANG, BANO NAMANG UMARTE

  • BULGAR
  • Oct 17, 2021
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 17, 2021




BLIND ITEM:


Hindi man nagsasalita, tiyak na sobra ang pagsisisi ng isang guwapo at tisoy na aktor sa maling desisyon na kanyang ginawa sa kanyang career.


Nagmalaki siya sa network na nagpasikat sa kanya at piniling pumakabilang-bakod. Kung tutuusin, masuwerte nga siya na nabigyan ng magagandang projects sa una niyang network. Kaguwapuhan lang naman ang kanyang puhunan dahil hindi siya marunong umarte, kumanta o sumayaw. Pero, lagi siyang binibigyan ng lead role sa mga serye ng network.


Marami namang mas guwapo at mas magagaling na aktor na higit ang katangian kesa sa kanya. Pero dahil sa demanding ang kanyang manager, sa tisoy na aktor naibibigay ang magagandang projects.


At hindi pa nakuntento ang manager ng tisoy na aktor, nag-demand ng napakataas na talent fee sa dating network nang mag-expire na ang kontrata niya. Ang ending, hindi na siya hinabol pa ng dati niyang network.


Ang masakit, hindi naman naalagaan ang aktor ng nilipatan niyang network. Dahil hindi nga siya marunong umarte, hindi siya nabigyan ng mabibigat na roles. Hindi siya umubra sa magagaling na aktor na dinatnan niya sa network.


At nang magkaproblema ang network na kanyang pinili, hindi na nakausad ang kanyang career. Kaya, nagdesisyon na lang ang aktor na pumunta abroad, sa bansa ng kanyang karelasyon na nawalan din ng career noong pandemic.


Malaki ang responsibilidad ng tisoy na aktor bilang padre de familia. Dalawa na ang kanyang anak. Kung may naitabi man ang aktor sa panahon na malakas ang kita niya, tiyak na papaubos na rin 'yun at kailangan na niyang magtrabahong muli.


At sa panahon ngayon, hindi na dapat maging choosy sa trabaho ang artista. Mabuti kung marami pang ipon at naipundar ang tisoy na aktor para sa future ng kanyang pamilya.


For sure, makakahiyaan na rin ng aktor ang bumalik sa dati niyang network. Marami nang pumalit na mga mas guwapo at mas bata kesa sa kanya na mahuhusay pang umarte.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page