top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw 'yun pag-aari ng mga maka-Duterte… ANGEL, BINARA ANG NETIZEN NA HUMIRIT NA INUNA PANG

  • BULGAR
  • Apr 18, 2021
  • 1 min read

BAKUNAHAN ANG MGA ANTI-DDS


ni Nitz Miralles - @Bida | April 18, 2021




On point ang sagot ni Angel Locsin na “Last time I checked, hindi pag-aari ng DDS ang vaccines at para sa lahat ito. Nasa priority rin ang seniors.”


Sagot niya ito sa netizen na nagsabing ‘yung Duterte haters pa ang nanguna sa vaccine.


Ipinost kasi ni Angel ang photos ng parents niya na binabakunahan sa Taguig City at ang caption niya ay “anti-vaxxer” finally cooperates. Pinasalamatan ni Angel ang Taguig health workers.


Anyway, nabanggit ni Angel na hindi nila tinigilan ng kanyang mga kapatid na ipaliwanag sa parents niya na kailangan nilang magpabakuna. Sinovac ang itinurok sa kanyang mga magulang na kundi kami nagkakamali, 94 na ang age ng dad ni Angel at ang mom naman niya ay 68 years old.


Ang parents pa lang ni Angel ang nabakunahan at siya ay hindi pa. Dahil sa pagpo-post niya ng photos na binabakunahan ang parents niya, marami ang umaasang makukumbinse rin nila ang kanilang mga magulang na magpa-vaccine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page