'Di raw totoong naging GF ni Rico… OGIE KAY SABRINA: BAKIT KAILANGANG MAG-IMBENTO?
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 13, 2023

May balak umanong magdemanda si Claudine Barretto dahil sa naging pahayag ni Sabrina M. tungkol sa namayapang aktor na si Rico Yan kamakailan.
Matatandaang sa isang press conference ng bagong pelikulang kinabibilangan ni Sabrina, nagulantang ang press sa inilantad nito na naging magkarelasyon sila ni Rico sa loob ng mahigit dalawang taon.
Ayon kay Ogie Diaz, magsasampa raw ng kaso si Claudine dahil nadawit pa ang kanyang pangalan sa naging rebelasyon ni Sabrina na wala naman umanong katotohanan.
Sey pa ni Sabrina, alam ni Claudine ang tungkol dito na noo'y ex-girlfriend na ng yumaong aktor. Nabanggit din niya ang pangalan ni Bobby Yan (nakatatandang kapatid ni Rico) na makakapagpatunay na naging magdyowa talaga sila.
Sa bagong episode ng Showbiz Update vlog ni Ogie sa YouTube, sinabi nito na nakausap niya ang kaibigan ng dating sexy actress na siyang nagkumpirmang walang katotohanan ang mga isiniwalat ni Sabrina at tila pinanindigan na lang niya ang kanyang naging pahayag.
"'Di raw totoo. 'Di raw po totoo 'yun. Dahil sinabihan na po ng isang kaibigan si Sabrina M. na 'wag nang ikakalat ang hindi totoo. Dahil ang totoo, naging gentleman si Rico Yan sa kanilang lahat, sa kanilang mga girls, that includes Sabrina."
Sa naturang episode rin nabanggit ni Ogie ang balak umano ni Claudine na magsampa ng kaso laban sa dating sexy actress dahil nadamay daw ang kanyang pangalan sa pahayag nito.
"Nabubuwisit si Claudine Barretto. Balak magdemanda ni Claudine dahil hindi raw totoo 'yung sinasabi ni Sabrina M. na aware si Claudine. Ginagamit pa si Bobby Yan. Ang claim pa ni Sabrina, binigyan pa raw siya ng bulaklak ni Bobby para ilagay du'n sa nitso bago isara.
Hindi rin naman daw totoo 'yun," dagdag pa ni Ogie.
Kaya't ang tanong ni Ogie sa dating sexy actress, "Bakit Sabrina? Bakit kailangang mag-imbento?
Kung gustong magbalik?"





Comments