top of page

‘Di raw siya Marites, ha? IBINUKING NI JAKE: KIM AT PAULO, VERY SWEET

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2024
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 22, 2024




Humanga si Jake Cuenca sa kanyang co-star sa What’s Wrong with Secretary Kim na si Kim Chiu na kahit may pinagdaraanan ito habang ginagawa nila ang serye ay napaka-professional pa rin.


As we all know, nang simulan nila ang taping ng nasabing Pinoy adaptation ng hit Korean drama series with the same title ay kagagaling lang sa breakup ni Kim with Xian Lim at aminado naman ang aktres na talagang may pinagdaraanan siya habang ginagawa nila ito.


Ayon kay Jake nang makatsikahan namin sa kanyang mini-presscon last Wednesday, hindi raw mahahalata si Kim sa set na may pinagdaraanan ito.


“Sobrang professional kasi kahit may pinagdaraanan siya, parang ‘yun pa rin ang energy niya sa set, eh. Never ko siyang nakitang down,” sey ni Jake.


Pahayag pa ng aktor, “Si Kim kasi, one great thing about her as a leading lady, ‘yung pagiging leading lady niya, hindi lang nagsisimula at nagtatapos sa set. Kumbaga, inaangkin niya ‘yung responsibilidad na ‘yun.


“Kumbaga, ‘pag bida ka rin kasi, nakaangkas sa ‘yo ‘yung energy ng buong set. Kumbaga, kung bad trip kang darating sa set, bad trip ‘yung buong set, alam mo ‘yung ganu’n?


“Or walang gana ‘yung bida mo umarte, walang gana lahat ng tao na magtrabaho.”



Pagdidiin ni Jake, “But Kim, never did I see that. Lagi niyang ina-uplift ‘yung buong set. Alam ko na may pinagdaraanan siya nu’n pero ‘yung priority niya, eh, magtrabaho.” 


Super bubbly pa rin daw si Kim sa set at sey pa ni Jake, “‘Yung energy niya, nag-iisa lang talaga ‘yung Kim Chiu pagdating sa ganu’n.”


Sort of reunion project din nina Jake at Kim ang WWWSK (What’s Wrong with Secretary Kim) after Ikaw Lang Ang Iibigin noong 2018.


Ayon sa aktor ay nag-enjoy daw siya doing this series dahil bukod sa reunion nila ito ni Kim ay katrabaho rin niya si Paulo Avelino na best friend niya.


Nausisa nga rin si Jake kung napansin na ba niyang sweet sina Paulo at Kim or kung may something ba sa dalawa at sey ng aktor, hindi naman daw niya tinitingnan ang mga ganu’ng bagay sa set. In short, hindi siya Marites.


“I just stay in my aircon tent, and then I just go out when they call me to go out and then I start acting, and then I go back to my aircon tent,” natatawa niyang sabi.


Kahit best friend niya raw si Paulo ay hindi naman niya ito tinatanong at naghihintay lang daw siya na magkuwento ito.


Pero ano ang napapansin niya kina Kim and Pau?


Ani Jake, “Ah, from what I see? (They’re) Very sweet. But the thing is kasi, like I said, hindi ako nagtatanong but I can see that Paulo is being like a really good leading man for her, gentleman siya sa set, at yeah, ‘yung chemistry, nakikita ko naman din talaga.


Nararamdaman ko ‘pag magkaeksena kami.” 


Sa WWWSK ay ginagampanan ni Jake ang role ni Morpheus na kapatid ng karakter ni Paulo.


“Alam n’yo, magugulat kayo sa karakter na ‘to, kasi hindi siya ‘yung typical na ginagawa ko.


Ang galing kasi ng original actor, the one who did the original Morpheus role, so medyo sinundan ko ‘yung ginawa niya. Na-impress ako sa kanya, eh, so sinundan ko siya.


“So, I think you’re gonna see a kontrabida role in a way pero very soft. ‘Pag napanood n’yo ‘to, very ano. . . iba ‘yung approach ko to it,” deskripsiyon niya sa kanyang role.


Ang WWWSK ay napapanood na sa Viu. It premiered last March 18 with the first 3 episodes for free users and additional two advance episodes for premium users.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page