top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Di raw siya kawalan sa anak… JAMES, DEDMA NA LANG SA MGA BANAT NI BIMBY, TODO-PASARAP SA BEACH

  • BULGAR
  • Apr 26, 2021
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 26, 2021




Kawawang James Yap!


‘Yung alam mong matagal na siyang nananahimik, pero dahil sa recent video ng mag-inang Kris Aquino at Bimby Yap kung saan napag-usapan nila ang relasyon ng 14-year-old na bagets sa kanyang ama, ayan, naba-bash at nahuhusgahan na naman ngayon ang PBA cager.


Diretsahan kasing sinabi ni Bimby sa naturang one-on-one interview nila ni Kris na okay lang naman siya kahit lumaking hindi kasama ang ama.


At ang hugot pa ni Bimby, hindi naman daw kasi nag-e-effort si James na tumawag man lang para kumustahin siya.


Kaya naman nahuhusgahan na naman ngayon ng mga netizens si James bilang walang kuwentang ama.


In fact, nang mag-post si James sa kanyang Instagram account ng picture at video niya habang nag-e-enjoy sa beach, may mga netizens ang na-curious sa kanyang reaction sa naging pahayag ni Bimby.


Masakit nga naman para sa isang ama ang marinig na parang hindi ka kawalan sa anak mo, ‘di ba?


Pero mukhang mas gusto ni James na manahimik na lang para ‘di na lumaki ang issue kaya hindi na niya sinagot ang mga netizens na nagtatanong kung ano’ng masasabi niya sa mga naging pahayag ng anak.


Well, tama naman dahil for sure, kapag may nasabi uli si James kahit isang simpleng pahayag lang ay baka ma-trigger na naman si Kris at alam na ang kasunod!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page