ni Nitz Miralles @Bida | December 14, 2023
Photo: Sharon Cuneta
Nabasa ni Gabby Concepcion ang mahabang post ni Sharon Cuneta na naglabas ng saloobin niya at nilinaw na walang balikang nangyari sa kanila ni Gabby.
Nabanggit din ni Sharon na baka maging last project na nila ni Gabby ang concert for a long time o forever. Masyado raw kumplikado at hindi mag-agree ang kampo nila ni Gabby.
Tanong ng ShaGab fans, ibig bang sabihin nito ay hindi na tuloy ang repeat ng Dear Heart concert nila na naka-schedule sa February 13, 2024?
May mga nagsimula na sanang mag-ipon para makabili ng tiket at ‘yung iba, naghihintay na lang kung kailan puwedeng makabili online, tapos may mababasa silang ganu'n.
May mga nagtatanong din kung ano na naman ang nangyari at naiba na naman ang istorya?
Pero kung matatahimik daw ang buhay nina Sharon at Gabby kung hindi na sila magkikita o gagawa ng project together, tanggap ng ShaGab fans na forever na silang hindi gagawa ng project for the fans.
Nabasa nga ni Gabby ang post ni Sharon, pero wala siyang comment dahil ang parang comment lang ay gif ng Grinch na parang naghihintay.
May mga naloloka sa sitwasyon nina Sharon at Gabby at ipinaalala sa kanila na hindi na sila mga bata. Mayroon namang sa sobrang inis at nasaktan na not in good terms na naman ang dalawa, nanawagang i-boycott na lang daw ang mga projects nila.
Nakakasawa na raw at paulit-ulit na every other project nila, nag-aaway at magkakabati ‘pag may bago silang project. Pati raw mga post nina Sharon at Gabby, ‘wag nang patulan dahil pinapakilig lang naman silang mga fans at inilalaglag din.
Comments