'Di raw si JM, Aljur… KALAT NA: MAY-ARI NG TATTOO SHOP, BAGONG DYOWA NI KYLIE
- BULGAR
- Oct 23, 2021
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 23, 2021

Palaisipan pa rin sa publiko kung sino ang tinutukoy ni Aljur Abrenica na third party sa hiwalayan nila ng misis niyang si Kylie Padilla.
May mga nadawit na pangalan gaya ni JM de Guzman. At the same time, may nagsasabi na pulitiko. At may nag-say din sa socmed na isa raw businessman.
Pagkatapos madawit ang pangalan ni JM, nag-post ng video ang Kapamilya actor sa kanyang Instagram habang nag-e-exercise.
Topless pero may suot na beanie sa ulo at tila boxing shorts si JM habang nag-e-exercise. Ang lakas makaagaw ng atensiyon ng mga muscles sa dibdib ni JM at ng kanyang four-pack abs.
Caption ni JM sa kanyang video post sa IG, “Pursuit of happiness.”
Sa comment section ay ilang beses binanggit ng mga netizens si Kylie linking her to JM.
Pero may nagdepensa naman kina Kylie at JM na magkaibigan lang sila.
But on JM’s separate post, may netizen ang nag-comment revealing kung sino 'yung guy na may kaugnayan diumano kay Kylie.
May caption kasi si JM sa isang separate IG post niya on how he takes good care of his body physically and mentally.
“Palakpakan…mag-diary muna ako. Lam mo ba 2 almost mos. panic/anxiety free,” simula ng caption ni JM.
Ibayong sakripisyo at disiplina raw ang ginawa niya. Nag-iba siya ng lifestyle. Three weeks straight daw siyang nag-intermittent fasting at healthy food lang ang kinakain niya.
Bukod d’yan, hindi na rin daw siya umiinom ng alak except kapag may special occasion lang and at the most, hanggang dalawang baso lang ang tine-take niya.
“Spent most of the time alone, iwas cellphone, reflecting, praying, solfeggio freqs meditation, kalungkot pero madami akong nahasa, music.
“Tsaka kawawa naman future wife ko, paalagain,” post pa ni JM.
Napansin ng netizen ang pagbanggit ni JM ng future wife at dito na napasok si Kylie.
“Si Kylie ba ‘yan?” tanong ng netizen.
Ipinagtanggol si JM ng mga netizens at sinabing huwag idamay ang aktor sa sigalot nina Kylie at Aljur Abrenica.
“'Yung owner ng Vimara Tattoo Shop ang jowa ni K. 'Wag mo idamay si JM.”
Ganern?





Comments