'Di raw nanliligaw, pero… SHAYNE, BINIGYAN NG P30 K NA SHOES NI ABDUL
ni Janiz Navida - @Showbiz Special | June 10, 2022

Na-meet namin ang napakaganda at super sexy na GMA-7's StarStruck 7 young actress na si Shayne Sava sa grand opening ng Queen's Wellness and Beauty Center sa 80 Kanlaon St. Sta. Mesa Heights, QC last Wednesday.
Ang manager ni Shayne na si Gino Medina ang owner ng Queen's at business partner niya si Ms. Grace Juliano na supplier naman ng stem cell products, kaya no wonder na si Shayne na ang kinuhang ambassador ng Queen's Wellness and Beauty Center.
Ang super-liit at seksing braso ni Shayne na tinernuhan ng super-liit ding bewang ang agad na napansin ng mga press people na dumalo sa opening ng wellness center.
Kaya naman, may-I-ask ng press si Shayne kung kasama ba ang mga ito sa ipinagawa niya sa Queens.
Si Ms. Grace ang sumagot na "Instant Barbie Arms" ang ipinagawa ni Shayne kung saan binotox ang kanyang mga braso kaya pala ganu'n ka-firm.
May ilang contour chorva ring ginawa sa face ng magandang dilag kaya pala ang perfect na ng ganda niya at para kang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa! Ohhhh!
Kaya super effective endorser talaga si Shayne ng Queen's Wellness and Beauty Center dahil kung ganyan nga naman kaganda at ka-sexy ang makikita mo, maeengganyo ka talagang magpa-enhance.
Samantala, bukod sa mga beauty enhancements na ino-offer ng Queen's, bentang-benta rin sa mga press people ang kanilang stem cell shots at gluta whitening na ayon nga sa owner ding si Gino Medina ay very affordable compared sa ibang centers dahil mismong supplier nga ang business partner niyang si Ma'm Grace.
Sa interview ng press people kay Shayne, nakumusta namin ang kanyang ka-love team na si Abdul Raman. Ang lakas kasi ng chemistry nila nu'ng magkasama sila sa Legal Wives at ngayon sa Raising Mamay kung saan kasama nila ang Comedy Queen na si Ms. Ai Ai delas Alas.
Sinagot naman ni Shayne ang tanong na okay lang sila ni Abdul Raman at masaya silang laging magkasama.
Pero may pambubuking ang manager niyang si Gino na super-kinikilig daw sa kanilang dalawa lalo na't binigyan pala si Shayne ng Kapuso actor ng shoes na worth P30 thousand, ha?!
Bongga!!!
Kaya naman tinanong namin si Shayne kung nanliligaw na ba sa kanya si Abdul at aniya, ayaw naman niyang isiping panliligaw 'yun, basta okay at masaya raw sila.
Hmmm… Para gumastos ng P30 K sa "friend" lang, aba, ang special friend niya naman, devah?!
Kaya abang-abang na lang tayo dahil sa totoo lang, ang cute nila ni Abdul bilang mag-partner at feeling namin, magiging malaki silang aktor at aktres kung tututukan lang ng GMA-7.





Comments