top of page
BIDA - “NOT TODAY SATAN” TOTE BAG NA IFINLEX NI DENNIS, SOLD OUT KAHIT MAHAL_IG _dennistri

'Di raw nananakot… ANGEL, IDEDEMANDA ANG FRIEND NI AHRON NA NANLAIT SA KATABAAN NIYA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 25, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 25, 2022




Hindi nakapagpigil si Angel Locsin at nakipagsagutan sa basher na kung anu-ano ang sinabi against her.


Sa Instagram photo ni Angel na kuha mula sa Pasiglaban rally ni Vice-President Leni Robredo ay makikitang may hawak na placard ang aktres na nagsasaad ng “Ma’m Leni! Sa 'Yo Na Ang Bato!”


Nagkomento si Bianca Gonzalez ng “Our real life Darna.”


Sinagot ito ng isang netizen at tila nilait ang katawan ni Angel.


“DARNA OMG!! Look, can you not see? She covered her body with that banner that is so stupigs,” komento ng basher.


Hindi ito pinalampas ni Angel, sumagot at nagbantang magdedemanda.


“So, ano hong gusto mong sabihin bukod pa sa malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema naman ang face at ugali mo? :) @ahronvillena pakisabi sa friend mo na ituloy niya para makapag-file ako ng case please :),” sagot ni Angel.


Marahil ay tiningnan ng aktres ang mga followers ng basher at isa na rito ang aktor na si Ahron Villena kaya nadamay na ito.


Sumagot naman si Ahron ng “Wait, ano'ng meron? PM kita Ms. Angel.”


Hindi rin tumigil ang basher at patuloy pa rin sa pagkuda.


“Bleehhh patola ka tulad ng uncle mong MIGRANTE OF HONGKONG? Ano?


“You just like your lutang aspirant, PATOLA! File a case against me, wow!!


“NANAKOT KA?” ang sunud-sunod na sagot ng basher.


Sumagot namang muli si Angel at humingi ng dispensa pero aniya ay hindi raw siya nananakot kundi nagsasabi lang nang totoo.


“Sir, are you high? I’m sorry for insulting your face pati ugali. What I did is not proper — kahit sa isang super perfect looking na red tagger. And no, hindi po ako nananakot. Pasens'ya na kung natakot kayo sa pagsabi ko nang totoo :),” ani Angel.


Ang iba namang netizens ay ipinagtanggol din si Angel at nilait-lait din nila ang body-shamer.


Hindi na sumagot ang basher.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page