top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

‘Di raw namamansin at walang respeto… ANGELICA: MGA ARTISTA NGAYON, MASYADONG MAYAYABANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 19
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | April 19, 2026



Angelica Panganiban - Instagram

Photo: Angelica Panganiban - Instagram



Nakapanayam si Angelica Panganiban at natanong kung ano ang masasabi niya sa mga artista ngayon.


Ani Angge, “Sa totoo lang, nakaka-offend sila. ‘Di sila namamansin. Masyado silang mayayabang.”


Na-experience raw niya ito ngayong nagbabalik-akting siya. 

Wika pa niya, “Okey lang na ‘di sila magbeso, pero sana, magbigay-pugay naman sila.”

May time pa raw na nagtanong siya, “Sino ‘yun?” at ang sagot sa kanya, “Artista po.” 

Sa loob-loob daw niya, “Ah, artista pala.”


Ibang-iba na raw talaga ang mga Gen Z artists, feeling-mayayabang daw. 


Aniya, “Noon, kami pa mismo ang lumalapit para magbigay-respeto.”

Komento ng mga netizens…

“Mga feeling ang mga bago ngayon.” 

“Konting sigaw, akala ay sikat na, eh, crowd lang naman.” 


“Totoo. Mga Gen Z newcomers, akala mo kung sino. Basic respect, wala sila, very entitled at proud pa.”


May nag-disagree naman sa pananaw ni Angelica, “No, I don’t think na feeling sila. ‘Di porke’t ‘di nagha-hi o ‘di namansin ay mayabang na. Galing si Angel sa nakasanayang kultura na kailangang batiin o magbeso sa seniors, kaya ‘yun ang inaasahan n’ya. Nagbabago lang ang panahon.” 


“Wala namang mawawala kung magiging courteous ka sa mga nakakatrabaho mo. Maliit lang ang industriya. Kahit ‘di mo kilala, puwede kang mag-smile at bumati ng ‘Good morning!’ o ‘Hello!’” 


“‘Di ako sumasang-ayon. Ang henerasyon ngayon ay walang respeto. Niliteral nila ang pagiging unapologetic. May iilan pa rin, pero kadalasan, mapapa-‘Hay, naku!’ ka na lang.” 

“Korek ka d’yan, Angge. Kakarampot pa lang ang napapatunayan, makaasta, akala mo, big star na.” 


“Kaya mabilis din silang maging ‘the who.’” 

“Dami talagang baguhan na feelingero at feelingera, egoistic celebrities.”

Ganern?





Game na game… ANGELINE, NAGPAPABAYAD SA MGA GUSTONG MAGPA-SELFIE



Enjoy na enjoy ang mga taga-Roxas, Capiz sa pagso-show ng singer-actress na si Angeline Quinto sa kanilang lugar. 


Very welcome ang singer dahil sa kabaitan nito. Wala raw kaarte-arte si Angge at very accommodating sa mga gustong magpakuha ng larawan. 


May pabirong hirit pa nga ito na may bayad ang pagpapakuha sa kanya, pero okray lang iyon sa fans na game na game naman.


Heto ang reaksiyon ng mga netizens…


“Si Angeline ‘yung artist na sulit ‘pag s’ya ang kinukuhang talent sa festival. Naalala ko, bumaba pa s’ya ng stage sa Manggahan Festival at nilibot ang gilid para maabot ang mga tao habang kumakanta — walang sablay sa tono at notes. 

“Grabe ang boses at PR, worth ang bayad sa kanya.” 


“Sa akin nga, P250 daw nu’ng nagpa-picture kami sa Glorietta. Hahaha! Kalog talaga s’ya.” 

“Thank you, Angge, for visiting Roxas City.” 


“Angge, P20 lang dati, ah, mahal na pala. Miss you, dami mo na namang napasaya.” 


“Ang kikay talaga ni Angge.” 

“‘Di maarte, ‘di suplada.” 

“Mas maganda s’ya sa personal.” 


“Very kind and down-to-earth, ‘di binago ng kasikatan.”

Bongga!





Humingi ng dasal sa mga fans… KEAN, NAPINSALA ANG BUKUNG-BUKONG, OUT SA SESSIONISTAS LIVE SA CEBU


HINDI nakasama si Kean Cipriano sa concert na Love, Sessionistas Live! sa Cebu kagabi (April 18) dahil sa pinsala sa kanyang bukung-bukong.


Ayon sa singer, kailangan niyang sumailalim sa medikal na atensiyon at pinayuhan siyang magpahinga para maiwasan ang lalong paglala ng kanyang kondisyon.

Sa kabila nito, itinuloy ng iba pang miyembro ng Sessionistas ang show at naihatid pa rin ang saya sa mga music lovers.


Nagpasalamat si Kean sa kanyang medical team at humingi ng paumanhin sa mga fans, kasabay ng pagbahagi ng kanyang kalagayan kung saan naka-brace at saklay siya.


Kinumpirma naman ng Fire and Ice Entertainment na tuloy ang show kahit wala ang singer. Ang natitirang Sessionistas na sina Ice Seguerra, Juris Fernandez, Nyoy Volante, Sitti Navarro, Princess Violago at Duncan Ramos ang mga nag-perform sa entablado.

Humingi rin ng dasal ang kampo ni Kean para sa kanyang mabilis na paggaling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page