ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 31, 2024

Nilinaw ni Carmina Villarroel na hindi siya nakikialam sa love life ng kambal na anak nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy Legaspi. Kaya hindi rin niya alam kung bakit nahuhusgahan siyang pakialamerang ina.
“Hindi ako nakikialam. Inaalam ko because we’re very open. So we talk about anything and everything,” sey ni Mina sa kanyang panayam sa vlog ni Ogie Diaz.
Wala raw itinatago sa kanilang mag-asawa ang kanilang mga anak pero kung meron man ay inirerespeto naman daw niya.
“Kung hindi man nila naise-share sa amin lahat, alam namin what’s going on. Alam namin ‘yung current situation ng mga buhay nila,” she said.
As we all know, si Cassy ay nali-link kay Darren Espanto habang si Mavy naman ay kagagaling lang sa breakup with Kyline Alcantara although wala pa silang pahayag tungkol dito.
Thankful naman daw siya dahil pinakikinggan ng kanilang mga anak ang opinyon nilang mag-asawa.
“Nagpapasalamat ako kasi ‘yung mga anak ko, parang very important sa kanila ‘yung opinyon namin. It matters to them. At nagpapasalamat ako du’n kasi inirerespeto nila kami.
“Kumbaga, mataas ‘yung respeto nila sa amin na ‘Ay, importante kay Mommy, saka kay Tatay ‘yung how they feel about this certain person or ganito ‘yung desisyon namin.’
“So, before they make a decision or before may ganito, sinasabi namin how we feel,” pagbabahagi ng aktres.
Kaya nga never niyang inisip na nakikialam siya sa mga anak niya.
“I really don’t want to use the word ‘pakialamera’ or nakikialam kami. Hindi talaga, eh.
Ibig sabihin, we’re just present. Very present kasi kami sa buhay ng mga anak ko.
“'Yun ‘yung gusto kong (term), mas maganda kasing term, kasi ‘yung pakikialam, ‘yung parang lahat na lang, ‘di ba, kasi parang may maling ibig sabihin, may maling connotation ‘yung pakikialam. Parang lahat na lang, gusto mo (pakialaman), parang may ganu’n, eh. Parang hindi magandang pakinggan kasi to begin with, hindi naman kami ganu’n,” paglilinaw pa niya.
Comments