‘Di raw naitodo ang best nila… BINI, UMIYAK AFTER NG PERFORMANCE SA OSAKA, JAPAN
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 19, 2026

Photo: IG _BINI_ph
Ngayong tapos na ang kanilang performance sa Summer Sonic Music Festival sa Japan, nakahinga na nang maluwag ang BINI dahil nalampasan nila ang isa na namang malaking challenge sa kanilang international career.
Sa kanilang interview with ABS-CBN, ibinahagi ng mga miyembro ang kanilang pinagdaanan sa paghahanda para sa kanilang Tokyo performance, lalo na’t kasabay nito ang kanilang busy schedule para sa kanilang ongoing Signals World Tour.
“I’m so happy tapos na itong Tokyo, because we can focus back on our World Tour routines,” ani Aiah.
Pero aminado rin siya na before the performance ay hindi niya maiwasang kabahan, lalo na dahil sa jetlag.
“I was so worried and scared about the jetlag,” kuwento niya.
Nag-worry daw siya na baka hindi siya makatulog nang maayos at makaapekto ito sa kanyang performance. But in the end, nalampasan niya ang challenge.
“I made it. We all made it,” masayang sabi ni Aiah.
Pero hindi lang jetlag ang kanilang kinaharap dahil naging isa sa pinakamalalaking challenges din sa mga BINI members ang matinding init sa Osaka, kung saan nauna silang nagtanghal.
Kaya nga sey ni Colet, naging emotional sila dahil sa kanilang performance.
“Actually, umiyak kami after ng performance namin sa Osaka. Kasi feeling namin, ‘di namin na-give ‘yung best namin, so, kailangan talaga naming bumawi rito sa Tokyo. Thank you, Lord, maganda ang crowd,” sey niya.
Sa Tokyo, mas naging comfortable ang grupo dahil indoor ang venue at hindi kasing-init kumpara sa kanilang Osaka performance. Masaya rin sila sa unti-unting pagdami ng audience.
“Maraming tao. Kinabahan kami kasi nu’ng una, walang masyadong tao but then, unti-unting lumalapit ‘yung mga tao, sobrang nag-enjoy kami, grabe,” sabi ni Colet.
Samantala, isa sa mga naging highlight ng kanilang Tokyo stint ang paggamit nila ng Japanese language sa kanilang stage spiels.
Isa sa mga nag-effort dito si Maloi, na halos buong gabing nag-aral ng Japanese para maging maayos ang kanilang pakikipag-communicate sa Japanese audience.
“‘Yung Japanese spiels ko, inaral ko s’ya kagabi pa, as in kahapon pa, bago ako matulog,” kuwento ni Maloi.
Nagising pa raw siya ng 3:30 AM para ipagpatuloy ang pag-aaral ng kanyang Japanese spiels.
At mukhang nagbunga naman ang effort niya dahil naging mainit ang pagtanggap ng mga Japanese fans sa grupo.
“Sobrang na-hype kami kahit alam namin na ang culture ng mga Japanese ay ‘di sila pala-sigaw, ‘di sila pala-cheer. Pero we felt the warmth,” sabi ni Maloi.
Bukod sa Japanese Blooms, ikinatuwa rin ng BINI ang suporta ng mga Filipino fans na bumiyahe pa talaga papuntang Tokyo para mapanood sila.
Hindi rin nakalimutan ni Mikha na purihin ang kanilang dancers na tinatawag na Besties, na todo-perform din kahit challenging ang kanilang costumes at mainit ang panahon.
“I’m so proud of the Besties,” ani Mikha, habang pinuri ang kanilang professionalism at dedication sa performance.
Para kay Aiah, espesyal ang naging experience nila sa Japan dahil bukod sa Filipino Blooms, naramdaman din nila ang suporta ng Japanese fans at mga bagong nakilala nilang supporters.
“Nippon Blooms, I hope you continue to support us! Thank you for accepting us and for your warm welcome!” mensahe ni Aiah.
“We hope to come back here as much as possible,” dagdag niya.
Matapos ang kanilang successful Summer Sonic stint sa Japan, balik-abroad performance mode agad ang BINI dahil lilipad na ang grupo patungong Canada para ipagpatuloy ang second half ng North American leg ng kanilang Signals World Tour.





Comments