top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di raw nagpaubaya, Gerald… "'YUNG IBA, PINABAYAAN" — KIM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | February 25, 2021





Relate much ang marami sa kanta ni Moira dela Torre na Paubaya. Naging topic din ang pagpapaubaya among the hosts ng It's Showtime ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11 nu'ng Martes.


Nagkabiruan kasi sina Vice Ganda, Kim Chiu at Vhong Navarro habang iniinterbyu ang isa sa mga contestants sa Tawag ng Tanghalan.


Tinanong ni Vice ang TNT contestant kung kaya bang ipaubaya sa iba ang taong mahal niya.


Nag-butt-in si Kim at ang sabi, "Hindi rin. 'Yung iba, 'di naman nagpaubaya. 'Yung iba, pinabayaan. Huwag mong sabihing naka-relate ka kasi 'yung iba d'yan... pinabayaan," mariing sabi ni Kim na tila may pinatutungkulan.


Ayaw naming isipin na ang ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson ang pinariringgan niya na "pinabayaan" ang karelasyon.


Feeling "pinabayaan" kaya si Kim nu'ng sila pa ni Gerald?


Ang klaro sa marami ay 'yung kay Gerald at sa ex-GF niyang si Bea Alonzo. Hindi lang daw pinabayaan ni Gerald si Bea, ghinosting pa.


Pagkatapos ni Kim, si Vhong naman ang nagtanong kay Vice kung naranasan na ba nito ang magpaubaya.


"Oo, maraming beses," mabilis na sagot ni Vice.


"Lahat naranasan ko. Nagpaubaya, napabayaan (laughs), nagpalaya, nagpauga, nagpaluwal. Lahat. Pero ngayon, hindi na ako magpapaubaya," with matching pailing-iling ng karelasyon ni Ion Perez.


Dagdag pa ni Vice, "Hindi, ibang usapan na 'to. Iba na 'to. Tapos na. Tapos na 'yung paubaya, 'Sige, mas deserved mo siya.' Uy, hindi, uy, deserved ko rin."


Habang nagsasalita si Vice ay ipinokus ang kamera sa tuwang-tuwa at natatawang si Ion sa isang sulok.


Say pa ni Vice, "Tama na, uy, huh? Hahaha!"


Muling nagtanong si Vhong kay Vice kung hanggang saan niya kayang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Ion.


"Hanggang kung saan umabot. Hanggang sa pinakadulo. Hanggang sa pinakamalayo," diin pa ni Vice.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page