'Di raw nagpaalam kay Kim… XIAN, NAGSALITA NA KUNG BAKIT NAG-OBER DA BAKOD SA GMA-7
- BULGAR
- Sep 1, 2021
- 2 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | September 1, 2021

May pa-mediacon ang GMA Network kay Xian Lim kahapon at special ang mediacon dahil ang passcode sa Zoom ay nakasunod sa pangalan ng aktor na makakatambal ni Jennylyn Mercado sa Love. Die. Repeat.
Naka-quarantine na for 10 days si Xian at ang ibang cast sa isang hotel bago magsimula ang locked-in taping.
Unang nagkita nang personal sina Xian at Jennylyn nang sila’y magpa-swab, pero konting usap lang ang ginawa nila at naka-face mask. Kaya, looking forward siya na magsimula na ang locked-in taping para mas makilala pa si Jennylyn at ang iba pang cast na ang iba, nakatrabaho na niya. Si Direk Irene Villamor ay naging director na niya sa first movie niya.
Nilinaw ni Xian na ang Viva Artists Agency pa rin ang management niya at per project ang gagawin niya sa GMA.
“Gusto kong mabigyan ng chance to pitch my stories na isinulat ko, to direct at maging part ng creative team sa paggawa ng project. I’m also excited to be given the chance to host at makapag-perform kasama ang mga Kapuso singers dahil gusto kong kumanta. Ngayon pa lang, nananawagan na ako,” sabi ni Xian.
Natanong si Xian sa isyu kay Kim Chiu na parang may pinagdaraanan at sagot nito, “I don’t think I’m in a position na sabihin kung ano ang pinagdaraanan niya. As a couple, we tell each other ng mga hinanakit namin at hanggang doon lang.”
Sabi pa ni Xian, hindi siya nagpaalam kay Kim na gagawa siya ng project sa GMA dahil nagsusuportahan naman sila. Natuwa raw si Kim nang malamang si Jennylyn ang makakasama niya at pumalakpak pa ang GF sa tuwa.
Sina Lovi Poe, Heart Evangelista at Marian Rivera ang mga binanggit ni Xian na gustong makasama sa mga Kapuso actresses at maging ang bagong lipat na si Bea Alonzo.





Comments