top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

'Di raw nag-e-expect na pakakasalan siya…

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2020
1 min read

ANDI, SHOCKED NANG BIGYAN NG ENGAGEMENT RING NG TATAY NG ANAK

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 22, 2020




Hindi inaasahan ni Andi Eigenmann na bibigyan siya ng engagement ring ng karelasyong surfer na si Philmar Alipayo kahit magda-dalawa na ang kanilang anak.


Hindi nag-demand ng kasal si Andi sa ama ng kanyang mga anak. Happy siya sa buhay niya bilang islander sa Siargao kung saan doon nila napiling magpatayo ng bahay at magbukas ng negosyo.


Mas binigyan din ng prayoridad ni Andi ang pagkakaroon ng masaya at buong pamilya kesa sa kanyang career. At wala siyang regrets sa kanyang naging desisyon.


Ikinagulat nga ni Andi nang bigyan siya ng singsing ni Philmar. Bilang babae, natural na masayang-masaya siya.


But for sure, pinakamasaya sa balitang ito ang Mommy Jaclyn Jose ni Andi. Bilang ina, gusto niyang makita na makasal si Andi sa lalaking minahal nito.


Nakikita naman ni Jaclyn na hindi nagsisisi si Andi sa pinili niyang buhay na simple at tahimik. At ang Siargao ang maituturing nilang paraiso kaya rito nila ginustong manirahan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page