'Di raw makawala sa 'yo, Gabby… HOLLYWOOD SERIES NI SHARON, CONCEPCION ANG TITLE
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | February 09, 2022

Hindi hinihiwalayan ng apelyidong Concepcion si Sharon Cuneta-Pangilinan dahil ito ang titulo ng bago niyang Hollywood series na ipinost niya sa kanyang IG account nu'ng isang gabi.
Obviously, si Gabby Concepcion ang ex-husband niya at ang gamit na showbiz name ng anak nilang si Kristina Cassandra ay Concepcion, pero sa legal documents ay Pangilinan na dahil in-adopt ito ni Senator Kiko Pangilinan.
Ipinost ng Megastar ang black and white poster ng series na Concepcion, A Crime Family Drama. Ang caption ng aktres: “Sige, magtawa kayo sa title! Eh, wala, gano'n talaga, eh. Trabaho lang, walang personalan!
“Just please read the article. Just might be my surprise #1 for all of you! This is Hollywood y’all!”
Collaboration daw ito ng ABS-CBN sa Fil-Am film producer na si Jeremiah Abraham at bida naman ang Filipino-American actor na si Reggie Lee.
Ang Concepcion ay isang US crime family drama na ang kuwento ay tungkol sa buhay ng isang Filipino kingpin na si Paulo “Lolo Pepe” Concepcion.





Comments