top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Di raw maka-move on kahit may Ellen na… DEREK, TODO-DAKDAK PA RIN SA HIWALAYAN NILA NI ANDREA

BULGAR
May 8, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | May 08, 2021




Every week yata nagpapalinis ng bahay si Derek Ramsay dahil sa kanyang IG Stories, naglilinis na naman sa house niya ang Busy Bee Cleaning Company at bina-vacuum ang kanyang bahay.


Samantala, may payo ang mga netizens kay Derek to stop talking about Andrea Torres na dahil may interview na naman siya sa Kapuso showbiz news at isa sa mga napag-usapan ay si Andrea.


Binanggit na naman nito ang pagkakaiba nila ng values kaya sila nag-break. Lumalabas daw tuloy na siya at hindi si Andrea ang hindi makapag-move on sa breakup nila.


In fairness, sabi naman ni Derek, gusto niyang matapos ang isyu kay Andrea, gusto na niyang manahimik dahil ikakasal na nga siya. “I want to put it to rest,” sabi nito.


Speaking of Andrea, pinupuri ng mga netizens ang kanyang pananahimik. Dalawang beses pa lang yata siyang nagsalita about her failed relationship with Derek at balik siya sa pananahimik. Umaasa ang mga supporters ng isa sa mga lead actresses ng Legal Wives na hindi na uli magsasalita si Andrea, kahit daw cryptic post, ‘wag na siyang sasagot kay Derek.


Kahit daw sa promo ng Legal Wives, ‘wag siyang magsasalita tungkol kay Derek para hindi masabing ginagamit niya ito at ang past relationship nila para pag-usapan ang nalalapit na airing ng cultural drama ng GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page