'Di raw maka-move on, Jodi... CLAUDINE, TODO-HABOL SA SUSTENTO KAY RAYMART 'PAG MAY BAGONG DYOWA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 23, 2020

Ilang araw pagkatapos magsampa ng kasong Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262 at economic abuse sa Prosecutor’s Office ng Marikina City si Claudine Barretto dahil sa hindi pagtupad ng dating asawang si Raymart Santiago sa sustentong nagkakahalaga ng P100K kada buwan, heto at in-admit ang aktres sa St. Luke's Medical Center sa Global City nitong Sabado nang gabi para operahan.
Idinokumento ni Claudine ang pagpasok niya sa hospital para sa kanyang mga IG followers at para malaman kung ano ang ooperahan sa kanya.
Ayon sa video post ng dating aktres, “Sorry I really look terrible. Ang sama ng hitsura ko, mukhang may sakit talaga ako. I’m asking everybody to please pray for me and not to worry, my palanggas and Claudinians, strong naman ako, kaya ko naman. I’m really scared pero my Ate Gretchen ever since this morning, she’s making me laugh and laugh and laugh so at least naging maganda ang araw ko.”
At kahapon, Linggo nang umaga ay nag-IG live si Claudine para ipakita ang pagdala sa kanya sa operating room ng nurse at base sa napanood naming video ay sa kaliwang bahagi ng kamay ang sugat na ooperahan sa mama nina Sabina at Santino na tila pigsa na hindi gumagaling-galing. Nakuha ni Claudine ang kanyang hand injury noong nakaraang taon pa sa burol ng amang si Miguel Barretto.
Samantala, maraming netizens ang nagulat sa pagsasampa ng kaso ni Claudine sa tatay ng mga anak niya dahil masyadong malaki raw ang P100 K sa panahon ng pandemic.
Ayon sa mga nabasa naming komento, sabi ni @ErialcCloud, “Right ng kids ang support pero 'di dapat mag-demand depend kung magkano ang sahod ng ama. Lol! Grabe naman kalaki ang child support."
Komento naman ni @YvonneNElicano, “Whatever amount that you can give, OK na. Just give, it’s an obligation to your children."
Sabi naman ni @AnTonette, “Grabe naman sa P100K. Lupa’t bahay na 'yan, ah. Kami ngang mga poorita, 'di pa kami nakakakita ng buong P100 K sa tanang buhay namin. Mapapa-sana all ka na lang talaga."
May kumampi naman kay Claudine, si @OliveEspina, tama lang daw na malaki ang hingin nitong sustento.
“Whatever, dapat lang, hindi ‘yung pakasaya sa iba. Si Claudine taga-alaga na, lahat-lahat, hindi madaling maging single parent na merong dapat suportahan. Si lalaki, hapi-hapi, walang stress, eh. 'Di kasali bayad sa stress ‘yung hinihingi niya. Dapat talaga, siya ang magbigay, ganu’n.”
Tingin naman ni @DeliaPastor, kaya malaki ang asking price ng dating aktres ay, “Kailangan kasi ng pera kasi walang raket sa showbiz na.”
Nadamay pa ang nananahimik na si Jodi Santamaria na karelasyon ngayon ni Raymart.
Say ni @RheaACastro, “Can we blame her, nakakapag-jowa pero sustento, wala? Kasi kung may jowa ka, gagastos ka, eh, paanong mga anak mo? So, don’t blame her (Claudine) to ask for sustento. Kahit naman ako, magagalit. Karapatan n’ya ang manghingi ng ganu'ng sustento, kasal sila. Na kay Claudine ang anak, pag-aaral, pagkain, pag-aaruga. Magkano ang matrikula ngayon sa exclusive school para sa dalawang bata? Sa iba, ok lang, sasabihin pa, 'Sige, iwan mo ako, kaya kong buhayin ang anak ko!' Naku, ha? Ano, pamartir?”
Susog din ni @LadymaienManriqueSuaverdez, “Ang dami ng inampon mo, tapos hihingi ng sustento kay Raymart. Ayos.”
Ang payo naman ni @LhatinaTJesusa, “Nakadepende naman sa income ng tatay ‘yan, ‘yung ma-approve ‘yung hinihinging sustento."
Sabi rin ni @Victoria Loria, “Grabe ka, Claudine, kada na lang merong bagong jowa ang ex mo, lagi ka na lang nagdedemanda. Hindi ka ba maka-move on? Nag-ampon ka pa nga, eh, kung magkano man ang ibigay ni Raymart, tanggapin mo.”
At si @HaroldOchoa, “Wow! P100 K talaga, ha? Ginagatasan mo masyado ang tao, Claudine. Ganyan ba kalala ang lifestyle mo? Parenting and support is shared by both parents."
Sa unang dinig ay sobrang laki nga ng P100 K kada buwan sa dalawang bata, pero kapag kinompyut mo ay lalabas na tig-P1,666.666.00 lang kada araw ang allowance nina Sabina at Santino.
Anyway, bukas ang BULGAR para kina Claudine at Raymart.





Comments