'Di raw lahat meron… JACLYN, MAY GREEN BONE NANG I-CREMATE
- BULGAR
- Mar 7, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 7, 2024

May natagpuan umano na ‘green bone’ sa katawan ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose habang kine-cremate ito.
Ayon sa sister ni Jaclyn na si Veronica Jones, “May sinasabi silang ‘green bone’… Hindi lahat ng taong na-cremate, meron nu'n. Very rare, nakita si Jane, meron. Ibig sabihin nu'n ay good heart.”
Kapag kasi may green bone pagkatapos ng cremation, ibig sabihin ay mabuting tao ang nagtataglay nito, which is true naman on Jaclyn’s part.
Marami ang makakapagsabing napakabait ng aktres sa lahat ng mga kasamahan sa showbiz nu'ng nabubuhay pa ito. Para sa mga nakatrabahong celebrities ng award-winning actress, siya’y loving, down-to-earth, merciful and nice, and she always treated everyone, regardless of work or status, with respect and equality.
Kaya naman kahit walang naiwang malaking pamana si Jaclyn sa kanyang pamilya, nananatili ang pagmamahal niya sa mga ito.





Comments