'Di raw kayang mabuhay nang wala sa tabi niya… HEART, BITBIT HANGGANG TAPING ANG ASO
- BULGAR
- Mar 28, 2021
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | March 28, 2021

Matutuloy pala ang I Left My Heart in Sorsogon series na pagbibidahan ni Heart Evangelista kasama si Richard Yap. Nabalita kasing hindi na itutuloy ng GMA-7 ang project dahil pa rin sa pandemic. Naurong lang pala ang pagsisimula ng locked-in taping dahil sa halip na sa April ay sa May na ito.
Sa interview sa kanya sa 24-Oras, nabanggit ni Heart na nakahanda na ang hotel kung saan sila mag-i-stay sa Sorsogon. Inihahanda naman niya ang mga dadalhing isusuot at gagamitin at inilabas na niya ang wardrobe dahil fashionista ang kanyang role. Isasama niya sa Sorsogon ang pet dog niyang si Panda dahil sabi nito, she can’t live without her dog.
Nabanggit din ni Heart na nagpa-audition ng isa pa niyang makakapareha at nahihirapan daw pumili ang production.
Still on Heart, airing sa Indonesia ang TVC niya ng Zalora’s birthday sale. Naka-post din sa isang parte ng Indonesia ang digital billboard niya at may nakita pa kaming posters niya sa kalye. Maaalalang nagkaroon din ng digital poster sa Times Square sa New York si Heart.





Comments