top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di raw galit sa mga todo-banat sa kanya… SIGAW NI SEN. MANNY: BASHERS, INSPIRASYON KO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2020
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 28, 2020




Inamin ni Boxing Champ Manny Pacquiao na umiiyak ang anak niyang si Michael dahil sa masasakit na sinasabi ng mga bashers. As we all know ay pumalaot na rin sa showbiz ang anak niyang ito at bilang baguhang artista, siyempre ay hindi pa raw ito sanay.


“Siyempre, hindi lahat (ng tao) sa social media, magsu-support sa ‘yo, magpupuri sa ‘yo, may mga bashers din. So, minsan, hindi niya ma-handle, parang naaano siya, nalulungkot siya, minsan umiiyak,” pahayag ni Pacman sa panayam sa GMA-7.


Kaya pinapayuhan na lang daw niya ang anak na huwag na itong pansinin.


“Ipinapaintindi ko sa kanila na ganu’n talaga, you cannot please everybody, so may mga ano talaga, mamba-bash sa ‘yo,” he said.


Sinabihan din daw niya ang anak na siya man ay nakararanas din ng pamba-bash at hindi naman daw siya nagagalit.


“From the beginning of my career until now, may mga bashers talaga. Pero ‘yung mga bashers na ‘yun, hindi ako galit sa kanila. Du'n ako humuhugot ng inspirasyon para ipakita sa sarili ko na hindi ako ganu’n,” sey pa ni Pacman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page