top of page
Carlos Yulo at Chloe San Jose - FTWBA YT.jpg

Isa sa mga icons sa industriya… MARICEL ‘DI DESERVE NA LAITIN DAHIL SA PAGNGIWI

Writer: BULGAR
BULGAR
13 minutes ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 16, 2026



Maricel Soriano during an interview - YT

Photo: Maricel Soriano during an interview - YT



Hindi lang si Nora Aunor ang naging mahigpit na kalaban ni Gov. Vilma Santos-Recto sa mga acting awards na ibinibigay taun-taon ng mga award-giving bodies. Nang mag-lie low sa paggawa ng pelikula ang Superstar, ang Diamond Star na si Maricel Soriano naman ang naging kaagaw ni Vilma sa Best Actress Award. 


Well, maging ang mabibigat na pelikulang unang iniaalok kay Vilma ay napupunta kay Maricel. Patunay lang na de-kalibreng aktres ang Diamond Star.


Isang respetadong artista si Maricel na ilang dekada nang bahagi ng movie industry, kaya maraming fans ang nalulungkot dahil nilalait at pinagtatawanan ngayon ang kanyang mga larawang kumalat sa social media. Bakit daw nakangiwi at tila hirap magsalita s1i Marya? Anong nangyari sa kanya?


Nakakalungkot ang ganitong senaryo sa buhay ni Maricel. Hindi niya deserve ang ganitong paghamak sa kanyang pagkatao. Maraming pagsubok at matitinding bagyo ang kanyang pinagdaanan, pero pinilit siyang bumangon at lumaban. Kailangan niya ng moral support mula sa mga taong nagmamahal sa kanya.





Namatayan ng pet dog…

ALDEN, KABAYO ANG BAGONG ALAGA



BUKOD sa pagbibisikleta na naging libangan ni Alden Richards, mahilig din siyang mag-alaga ng aso. 


Isa sa mga paborito niyang pet dogs ay si Summer na namatay habang nagbabakasyon ang aktor sa Amanpulo, Palawan. Labis niya itong ikinalungkot dahil naging kasama niya ang kanyang dog sa panahon ng mga problema at isyu sa buhay niya.


Ngayon, isang black horse ang alaga ni Alden na pinupuntahan niya sa Lipa, Batangas kapag may bakante siyang oras. 


Mga simpleng bagay ang binabalikan niya kapag kailangan niyang mag-recharge at magpahinga.





WALANG intensiyon ang grupong AKTOR PH na binuo nina Dingdong Dantes, Iza Calzado at iba pa na makipagkumpitensiya sa Actors Guild na dating pinamunuan nina Fernando Poe, Jr. (FPJ), Rudy Fernandez, German Moreno, ER Ejercito, atbp.. Hindi nila layunin na paghiwa-hiwalayin ang mga artistang bahagi ng movie industry.


Magkaiba ang layunin ng Actors Guild at AKTOR PH, pero pareho nilang hangad ang kabutihan ng mga miyembrong artista. 


Ang AKTOR PH ay may sports event na sponsored ng Bench, ang Hybrid Games. Ang Actors Guild naman na pinamumunuan ni Hero Bautista ay maglo-launch ng sportsfest na tulad ng Star Olympics noon na nilalahukan ng malalaking artista. 


Sa panahon ng pamumuno ni German ‘Kuya Germs’ Moreno bilang presidente ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon), naging matagumpay at inaabangang sports event sa showbiz ang Star Olympics na nagsisilbing pagkakataon para magsama-sama at magpaligsahan ang mga artista.


Bagama’t kaunti na lang ang malalaking artistang kasapi ng Actors Guild, kabilang pa rin sa mga miyembro nito ang mga direktor, actors, actresses at ilang stuntmen. Hindi lang gaanong naging aktibo ang samahan sa mga proyekto nito.


Pero ngayon, sa pamumuno ni Hero, sisikapin niyang hikayatin ang lahat ng miyembro na makiisa at buhayin muli ang samahan. Marami naman ang handang tumulong at sumuporta sa kanyang mga proyekto tulad nina Imelda Papin, Lynn Madrigal, atbp..

Marami ring baguhang artista ang puwede nilang isali. Kailangan lang ni Hero ang kooperasyon ng lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page