Bukod kay Kim… PAULO, GAMER DAW ANG BAGONG BABAE

ni Julie Bonifacio @Winner | November 16, 2026

Photo: Paulo Avelino - IG
Ayaw patulan ng ilang showbiz insiders ang tsika na may ibang babae na iniuugnay kay Paulo Avelino ngayon bukod kay Kim Chiu.
Isang female gamer diumano ang pilit na ikinakabit sa aktor. And for sure, nagdadabog na ang kanilang mga fans ng kanyang kalabtim na si Kim dahil dito. Knowing kung gaano kaselosa ang mga fans ngayon, hindi lang ang mga tagahanga nina Kim at Paulo.
Hindi raw kasi imposible na may female gamer na nali-link kay Paulo since very active ang aktor sa paglalaro. In fact, nagtayo pa ng business si Paulo na connected sa online gaming.
Puwedeng nakilala at nakasama niya ang babaeng gamer sa mga pa-event ng paboritong hobby/business niya.
Mas tutok kasi si Paulo sa kanyang gaming lalo na kapag wala siyang acting project at iba pang showbiz commitments na ginagawa. Kaya hindi kataka-taka na may nami-meet siya na iba’t ibang babae na involved din sa ganitong libangan.
True kaya ito?
Nagsayaw habang nagda-drive, nag-cellphone, no seatbelt… CAI, PATUNG-PATONG ANG VIOLATION, LISENSIYA, SUSPENDIDO

Cai Cortez - Circulated
SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng aktres-pulitiko na si Cai Cortez nang 90 days as a preventive measure, kasabay ng pag-isyu sa kanya ng Show Cause Order (SCO).
Kumalat kasi online ang video kung saan makikitang nagsasayaw at kumukuha ng video si Cai gamit ang kanyang cellphone habang nagmamaneho. Plus, may added violation pa siya dahil sa hindi pagsusuot ng seatbelt.
Si Cai ay hindi lang aktres kundi isa ring public servant. Kasalukuyan siyang konsehal sa Taytay, Rizal.
Naglabas ang LTO ng SCO para pagpaliwanagin siya kaugnay ng mga posibleng traffic violations. Iniutos din ang pagsuko niya sa kanyang driver’s license for a 90-day preventive suspension habang iniimbestigahan ang insidente.
Inilagay rin ng LTO sa alarm ang sasakyang ginamit sa video.
Nagbigay naman ng reaksiyon ang ama ni Cai at veteran actor na si Rez Cortez sa nangyari sa kanyang anak.
Ayon kay Rez, dapat panagutan ng kanyang anak ang mga nilabag nitong traffic laws. Hindi tinolerate ng aktor ang maling ginawa nito kahit pa sariling anak ang nasa peligro.
And for that, saludo kami kay Rez.





Comments