top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

'Di raw bagay… MOVIE NINA BEA AT ALDEN, BINANTAAN NG BOYKOT

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2020
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 16, 2020




Dapat bang ikatuwa ng Viva Films at GMA Pictures na kahit wala pa silang formal announcement sa pagtatambalang pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards na A Moment to Remember, ang ingay na ng mga fans and bashers alike.


Sabi ng mga bashers nina Bea at Alden, hindi sila bagay sa gagampanang role dahil sa movie, older ang Korean actor at younger ang Korean actress, na kabaligtaran nina Bea at Alden.


Hindi alam ng mga nagdududa na kaya tinawag na “actors” ang dalawa ay dahil kaya nilang gampanan anumang role ang ibigay sa kanila.


May mga bashers pa na ngayon pa lang, hindi pa man nagsisimula ang taping, hinusgahan na nila ang movie na hindi raw susuportahan ng mga moviegoers.


Lalo nitong matsa-challenge si Director Nuel Naval na paghusayan ang paggawa ng pelikula. Sabagay, sanay na siya dahil ‘yun din ang sinabi ng mga bashers nang gawin niya ang Miracle in Cell No. 7 pero nang mapanood ng mga ito, nagandahan sila at umiyak.


Sabi pala ng isang fan ni Bea, sa Zoom tsikahan niya sa kanyang mga fans, nabanggit na nito na may gagawin siyang pelikula at first time niyang makakasama ang kanyang makakapareha. Sinabi ito ni Bea bago pa man lumabas ang balitang magtatambal sila ni Alden sa A Moment to Remember.


Still on Bea, natawa na lang siguro ito sa mga comments ng mga netizens sa in-upload niyang video na siya’y nagluluto. Nakalugay kasi ang buhok ni Bea at pinuna siya dahil dapat ang nagluluto ay hindi nakalugay ang hair at dapat nga, may suot na hairnet.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page