top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Di puwedeng sumakay ng eroplano… KRIS, BUMAGSAK ANG TIMBANG, MAS MABABA PA SA 90 LBS.

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 20, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 20, 2021





First Christmas and New Year this year ni Kris Aquino na engaged na siya with former DILG Secretary Mel Senen Sarmiento.


Sa kanyang latest post ay sinabi niyang umalis na sila last Dec. 9 for a holiday break though hindi na niya sinabi kung saan sila pumunta.


“It was my desire to keep our pre Christmas break very private. Mel & I left Dec. 9 with every intention of being back Dec. 17. Ang tagal pinagplanuhan kung saan pupunta. Walang available in Bataan or Zambales. We could be accommodated in Boracay (thank you

@discoveryshoresboracay & @theauhanaboracay) pero problema namin 'yung air travel because of my compromised immunity. Sadly, my weight had dropped below 90 lbs,” bungad ni Kris sa kanyang Instagram post.


Pero dahil nga sa super-typhoon Odette, kahit nasa bakasyon si Kris ay nakipag-team-up siya kay Angel Locsin para tulungan ang mga nasalanta sa Cebu.


“Ayoko pong isipin ninyo na dedma ako sa pinagdadaanan ng mga kapwa nating Pilipino dahil sa napakalakas at bagsik ng bagyong #Odette.


“Hindi na po ako magdedetalye pero nonstop ang communication ko sa mga kaibigan kung paano makakatulong. Maraming salamat sa @puregold_ph dahil natulungan akong magbigay sa kaibigan na may paraan para ipaabot ang aking pamaskong pagbahagi sa area nila sa Mindanao.


“Salamat sa @snr_official, @smsupermalls and @stweets sa pagtulong sa 'min para mapakumpleto ang necessities para sa mama at mga pamangkin ni Mel na walang kuryente, nasiraan ng generator, walang tubig at para magka-signal, umaakyat sa rooftop ng bahay nila.


“Paubos na rin po ang gasolina sa Cebu. Kaya grabe ang iniiyak ng puso ko para sa mga nawalan ng lahat.


“Matagal na kaming tandem ni @therealangellocsin 'pag ganitong may kalamidad at araw-araw kaming nag-uusap kung paano ba makakatulong,” patuloy ni Kris.


Nakipagtulungan na rin daw siya kay Vice-President and presidential aspirant Leni Robredo.


“5 AM kanina magka-text kami ni VP Leni. Saludo ako sa kanya at kay Senator @mannypacquiao dahil nagkaisa sila para mas maraming matulungan. Finally makakauwi na, at mas marami nang magagawa,” lahad pa ni Kris.


“God bless the Phils. during yet another crisis. Sana 'wag tayong mawalan ng pag-asa dahil pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi tayo pababayaan ng magbi-birthday sa Dec. 25,” pagtatapos ni Tetay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page