'Di pasosyal tulad ng iba… NADINE, WA' PAKI KAHIT MASUNOG ANG BALAT SA INIT
- BULGAR
- Aug 18, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 18, 2023

Hindi na nga masasabing ordinaryong artista lamang si Nadine Lustre. Bukod sa kanyang pagiging box office star ay dalawang beses na siyang itinanghal na Best Actress ng FAMAS Awards.
Marami siyang tinalong magagaling na artista. Unang Best Actress award ni Nadine ay sa pelikulang Deleter. At sa katatapos lang na 71st FAMAS Awards ay nanalo siyang Best Actress via the movie Greed.
Gumanda ang takbo ng career ni Nadine Lustre nang maging contract artist ng Viva Entertainment.
Magaganda ang mga projects na ibinigay sa kanya, kaya nailabas niya ang kanyang husay sa pag-arte.
May sariling diskarte si Nadine sa career path na gusto niyang tahakin. Hindi siya sunggab nang sunggab ng offer sa kanya. Alam niya ang kanyang kapasidad. At kakaiba rin ang kanyang lifestyle kumpara sa mga kasabayang celebrities na puro pasosyal ang gustong buhay.
Mas gusto ni Nadine ng simple at tahimik na buhay sa isla ng Siargao. Hindi rin siya masyadong conscious kung masunog ang kanyang balat dahil exposed sa init at dagat.
Happy siya sa pagiging morena beauty.





Comments