top of page
Robin Padilla - FB

‘Di pang-GF… WILBERT: BEA, WIFE MATERIAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | July 5, 2026



BIDA - WILBERT BEA, WIFE MATERIAL-FB Wilbert Ross

Photo: FB Wilbert Ross



Hindi na lang love team sina Bea Binene at Wilbert Ross, business partners na rin sila dahil sila ang nasa likod ng Sunset Avenue Shades. 


In-announce ito ng dalawa sa mediacon ng latest Viva One series na Love U Lots (LUL), kung saan nai-share ng direktor na si Victor Villanueva na more kilig ang series bilang isang romcom.


Last July 4, ini-launch nga ng WilBea ang Sunset Avenue na ang mga pangalan ay hango sa favorite local tourist destinations. Ang pangako ng dalawa, more joint business pa ang kanilang pagsasamahan plus more projects to come. Nauna lang itong LUL na streaming na on July 24.


Hindi madi-disappoint ang WilBea fans sa LUL dahil sa teaser pa lang, sobrang kilig na ang napanood, na naging dahilan para magsigawan ang mga fans na present sa Robinsons Manila.


Dagdag na kilig pa ang sagot ni Will sa tanong kung girlfriend material ba si Bea, “More on GF material, she’s wife material.” 


Binanggit nito ang qualities ni Bea na supportive, maalaga at mabait, kaya ganoon ang kanyang sagot.


Eight episodes ang LUL kung saan gagampanan ni Bea ang karakter ni Ysa na may Dissociative Identity Disorder o DID.


Sey sa promo, “The series offers a fresh and unconventional love story that proves romance can take many unexpected forms.”


Follow-up ito ng WilBea sa successful run ng Golden Scenery of Tomorrow at simula ng pagsikat nina Wilbert at Bea. Ngayon, isa na ang love team nila sa pinakasikat among the love teams ng Viva.





‘Di raw maganda… PAG-AKBAY NI BIMBY KAY RYZZA, PINALAGAN NG FANS



May request kay Bimby Aquino ang mga fans nila ni Ryzza Mae Dizon at sana raw ay mabasa nito. 


Napanood nila ang video na magkatabing naglalakad ang dalawa nang biglang ilagay ni Bimby ang braso niya sa balikat ni Ryzza na off para sa mga fans.


Sunud-sunod ang comments na, “Ipaalala mo kay Bimb, ‘wag ilagay ang braso n’ya sa shoulder mo, please,” “‘Wag naman sana ilagay ni Bimb ang braso n’ya sa balikat ni Ryzza,” at “Medyo nailang ako sa pagpatong ng kamay ni Bimb. Medyo ‘di okay tingnan.”

Fans na rin ng MaeBy ang sumagot at ang paliwanag, “Magkaibigan sila, biruan nila ‘yan.” 


May nag-quote naman sa PA (personal assistant) ni Bimby na si Jack Salvador. Komportable raw ang dalawa sa ginagawa ni Bimby at love language nila ang pagpatong ni Bimby ng braso sa balikat ni Ryzza.


Hopefully, makarating kina Bimby at Jack ang concern na ito ng mga fans para ma-address at, kung nakaka-offend sa iba, itigil ni Bimby. Pero, kung hindi naman isyu kay Ryzza at kung komportable siya sa ginagawa ni Bimby, walang rason para itigil.


Ibig sabihin nito, nakikita at napapansin na ang mga kilos nina Bimby at Ryzza at isa na naman ito sa mga signs na lumalaki na ang grupo ng kanilang mga fans.

Samantala, sa Saturday episode ng Eat… Bulaga! (EB!), biniro ni Joey de Leon si Ryzza kung kailan sila mag-uusap ni Kim Chiu. 


Sagot ni Ryzza, nag-wave at nag-dialogue ng “Hi po!” 

Sa ngayon, si Kris Aquino ang may power na pagtagpuin at pag-usapin ang dalawa. Kailan kaya sila magkikita?





SOBRANG aliw ang new song ni Regine Velasquez at sa title pa lang na Espasol, magke-crave at magugutom ka na. 


Pinakinggan namin ang song na, in fairness, nabanggit ang iba pang local kakanin gaya ng bibingka, suman, pichi-pichi, atbp., pero ang espasol ang pinakaespesyal.


Natuwa ang mga netizens dahil hindi nila inakalang magkakaroon ng song ang espasol at dahil si Regine ang kumanta, siguradong magna-number one. 


Hindi nabanggit kung sino ang composer, kaya lang, may Ogie Alcasid feels ang song, kaya malamang si Ogie ang sumulat nito.


And speaking of Regine, available na ang tickets sa Finale concert niya sa July 30. 

Sa October 17, 2026 ang first night ng concert at TBA o to be announced ang details ng October 18 concert. Last major concert ito ni Songbird kaya sisiguraduhin ng mga fans na mapapanood nila ito.


Well, naghahanda na rin si Regine sa two-night finale major concert niya. Kumonsulta na siya kay Dr. Roland Angeles, isang internal medicine doctor na specializes in weight loss treatment. Sisiguraduhin niyang fit na fit siya sa kanyang concert to give the fans what they want to see in her last major concert.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page