top of page
Search
  • BULGAR

'Di pa raw kasal, iniiputan na… MADLANG PIPOL KAY SEN. SHERWIN: BIANCA, ITAPON MO NA!

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 22, 2023




Bantay-sarado ngayon sa mga Marites sa social media ang mga socmed accounts nina Rob Gomez, Herlene Budol, Bianca Manalo at Sen. Sherwin Gatchalian matapos ngang kumalat ang diumano'y "cheating convo" na involved ang Kapuso actor at ang dalawang beauty queens-turned actresses.


Inaabangan ng lahat kung may bago nang sasabihin sina Rob at Herlene a.k.a. Hipon Girl, gayundin sina Bianca at Sen. Sherwin, lalo't very open sila sa kanilang relasyon na tumagal na rin nang ilang years at kuntodo-post din sila sa Instagram ng kanilang mga ganap bilang magdyowa.


So heto na nga. Nang mag-post si Sen. Sherwin Gatchalian ng kanyang mga ganap na may kaugnayan sa pulitika sa kanyang Instagram account kahapon, inulan ito ng mga comments ng kanyang mga followers, na halos iisa naman ang laman ng mensahe — itapon na raw niya si Bianca Manalo bilang GF!


Ilan sa mga nabasa naming comments sa IG post ni Sen. Sherwin, "You deserve decent woman Senator!"


"She don't deserve you. Sending virtual hugs."


"'Wag masyadong ma-busy, Senator. 'Yung isa, iba ang kinabi-busy-han."


"You deserve decent woman senator. virtual hugs."


"Senator, Bianca's cheating on you behind your back multiple times! Not just when you're at Valenzuela. I hope you are aware of what's happening right now. It's all over the social media po."


"Sayang pang-shopping na sana, barya-barya."


"Sir, you are a winner if you dump that Bianca Manalo right away. Malapit pa naman Daddy mo sa mga Ejercito. Of all the people, sa apo pa ni Jorge Estregan."


Samantala, kung si Sen. Sherwin ay nasa Valenzuela para sa kanyang mga natanguang commitments bago mag-Pasko, todo-enjoy naman si Bianca sa bakasyon sa Tokyo, Japan kasama ang kanyang pamilya.


Nag-post pa nga ito ng mga pictures niya kahapon na parang walang kaalam-alam na pinagpipiyestahan na pala rito sa 'Pinas ang 'cheating convo' nila ni Rob Gomez.


But for sure, nakarating na kay Bianca ang controversial issue na 'to lalo't it's all over the internet na nga, devah?


At sa mga comments pa lang sa kanyang IG post, mababasa na niya 'yung, "Magsaya ka na d'yan sa Japan, pag-uwi mo, a-bugbog ka na ni Senator."


"Pag-uwi mo po, wala ka nang jowa."

"Halatang kaiiyak mo lang, ah."

Naku! Mukhang "enjoy now, cry later" ang ganap ni Bianca pag-uwi ng 'Pinas, ha? 

Palagay n'yo, mga Ka-BULGAR?

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page