'Di pa masabing forever na sila ni Cherry Pie… EDU: NAG-UUMPISA PA LANG KAMI!
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 20, 2022

Muling ininterbyu ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel ang kinakikiligang celebrity couple na PiEdu, ang mag-partner na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.
Four months ago unang nakapanayam ni Luis ang PiEdu. And due to insistent public demand, 'ika nga, kaya isinalang sila ulit ni Luis sa kanyang YT channel.
Araw-araw daw ay may fans ng PiEdu na nagpo-post sa socmed ng mga ganap nina Edu at Cherry Pie. And take note, may international fans pa sila, ha?
“Everyday meron silang sariling mga posts. Nagbi-video, nag-e-edit at nagpo-post,” sey ni Edu.
Kumusta ang PiEdu?
“Actually, ang anumang bagong relasyon ay laging merong ups and downs. There are times na pinagagalitan ko siya. Pero buti na lang, natuto na siya. Natuto na. Tingin ko pa lang, eh,” sabay titig ni Edu kay Cherry Pie.
Nabuking din ni Luis na nagkakaselosan sina Edu at Pie. Tapos, kapag si Edu raw ang nagseselos, yayakapin lang ni Cherry Pie or anything that would assure him na siya lang ang love ng aktres na girlfriend.
“Super!” sigaw ni Cherry Pie sa tanong ni Luis kung hanggang ngayon ay naseseksihan pa rin siya kay Edu.
Sagot naman ni Edu, “Hindi na ako nagugulat.”
Kahit daw may magawang mali si Edu, handa si Cherry Pie na ipaglaban ang tatay ni Luis.
“Basta ipaglalaban ko siya, without a doubt,” diin ni Cherry Pie.
“Oo naman,” pag-second that motion ni Edu. “Ang importante, eh, kailangan, you have to be there for each other. That’s why I fought a war for a reason.”
Tinanong din ni Luis ang dalawa kung for keeps na ang kanilang relasyon.
Sabi ni Edu, marami pa silang bagay na dapat matutunan together.
"We’re just beginning. Everyday should be like an addition into the people that you are. You add on to each other but you also have to add on to yourself. Hindi mo siya mapapaligaya kung ikaw ay hindi maligaya. You both have to be individually happy and then, when you get together, it just makes it all so much better,” kilig to the bones na sey ni Edu.





Comments