top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

‘Di pa man umaaming magdyowa… JANINE AT PAULO, HIWALAY NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 5, 2023
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 5, 2023



Mukhang may mga bagong magiging miyembro ng SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko).


Hindi pa man nakukumpirma at wala pa mang pag-amin sa panig nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa nababalitang hiwalayan nila, heto’t may bago na namang pinagpipiyestahang hiwalayan.


This time, ang lead actor ng Linlang na si Paulo Avelino at ang kapipirma pa lang uli ng renewal ng kanyang kontrata bilang Kapamilya na si Janine Gutierrez ang sinasabing hiwalay na!


Actually, napakatahimik pareho nina Paulo at Janine sa estado ng kanilang relasyon.


Kahit nga nu’ng nagsisimula pa lang silang ma-link sa isa’t isa last year nang magsama sa ilang TV and movie projects, wala namang direktang inamin sina Paulo at Janine na magdyowa na sila.


Pareho kasing masikreto ang dalawa at ayaw na pinagpipiyestahan ng publiko ang kanilang personal life, lalo na si Paulo.


Kaya siguro nu’ng unang presscon ng Linlang at kahit nu’ng thanksgiving mediacon ay todo-iwas daw si Paulo na matanong ang status ng kanyang love life, dahil baka nga hiwalay na sila ni Janine.


Tsinek nga rin namin ang mga posts nina Janine at Paulo sa kani-kanilang IG account at kapansin-pansin nga na medyo matagal na ‘yung huling picture nila together.


At kahit sa mga ipino-post ni Janine na sexy and hot photos niya ngayon wearing a two-piece swimsuit habang nasa Boracay with friends, ni hindi rin makikita ang pag-like man lang ni Paulo.



Maging si Janine, hindi rin naman nagla-like sa mga posts ni Paulo sa Instagram.


Sayang at hindi namin na-interview si Janine nu’ng mag-renew siya ng kontrata sa Kapamilya Network para sana nahingan namin ng update sa status ng relasyon nila ni Paulo Avelino.


Well, kung hindi pa naman sila parehong ready na magsalita, eh, di let them be.


Hindi nga natin sila napaamin na sila na, tapos gusto natin ngayong kumpirmahin nilang hiwalay na sila?!


Walang pakialaman kung ayaw nating ma-LINLANG!!! Sabeeee?!!! Hahahaha!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page