'Di pa man kasal, parang mag-asawa na ang lambingan… DEREK, AYAW MAHIWALAY KAY ELLEN KAYA UMATRAS SA
SERYE
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | April 21, 2021

Kumpirmado na ngang umatras-nag-backout si Derek Ramsay sa seryeng To Have and To Hold kung saan makakasama niya sina Carla Abellana at Max Collins.
Ang ibinigay na rason-dahilan ni Derek ay hindi pa raw siya handang sumabak sa trabaho hangga't may COVID pandemic pa. Ayaw niyang i-risk ang kanyang kalusugan para lang sa isang project.
Pero, iba naman ang naiisip ng ilang netizens sa tunay na dahilan kaya umatras si Derek sa To Have and To Hold. Posibleng isa raw si Ellen sa mga big factors kaya ayaw munang gumawa ng serye ni Derek. Hindi niya maiwan-iwanan nang matagal si Ellen kapag nag-locked-in taping na ang kanilang serye.
Bale ba ay napaka-clingy ni Ellen kaya halos ayaw na niyang humiwalay kay Derek.
May post pa nga si Derek sa social media kung saan karga niya at parang batang nakakunyapit sa kanya si Ellen.
Kung tutuusin, after ng kanilang engagement, mistulang nasa honeymoon stage na sina Ellen at Derek na ayaw nang maghiwalay.





Comments