'Di pa man kasal… DOMINIC, "KUMANDER" NA ANG TAWAG KAY BEA
- BULGAR
- Oct 7, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 07, 2021

Malapit ang pamilya ni Dominic Roque sa celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Best friend kasi ni Juday ang tita ni Dom na si Beth Tamayo.
Dumalaw ang magkapatid na Dominic at Mark Anthony sa restaurant nina Juday at nag-guest pa si Dom sa live selling ng celebrity couple.
Ang daming nagsa-shout out na viewers lalo na sa boyfriend ni Bea Alonzo.
Ani ng isang netizen, “Mine ko na po si Dominic."
Biro naman ni Ryan, “Wooooy. Pumila ka."
Pasok naman ni Juday, “Teka, may magagalit."
Maya-maya ay nagtanong si Dom kung puwede raw um-order ng laing dahil may nag-request sa kanya.
“Sino? Sino'ng nagbilin?” tanong ni Juday.
“‘Yung codename sa ‘yo ni Kuya Ry, si Kumander,” ngiting sagot ng aktor.
Kumander kasi ang tawag ni Ryan kay Juday.
Ang kumander na tinutukoy naman ni Dom ay ang girlfriend nitong si Bea Alonzo.
Nag-shout out din ang brother ni Dom na si Mark. Binati niya ang anak at ang kanyang misis.
Nabanggit naman ni Dom na lagi niyang ka-Facetime ang kanyang pamangkin.
Sey ni Ryan, “Alam n’yo, ‘tong Roque brothers, sobrang hilig talaga nila sa mga bata."
Biglang sagot naman ni Dominic, “Gusto ko na nga rin, eh."
Nabigla si Ryan sa reaksiyon ng actor. Aniya, “Woooooy! Teka lang naman muna!!!”
Hmmmm... mukhang gusto na rin ni Dom na magkaroon ng sariling pamilya.
Napag-uusapan na kaya nina Dom at Bea ang kanilang future?
'Di ba, sa panayam ni Ethel Booba months ago kay Bea, may nabanggit ang aktres na gusto na rin niyang magkaroon ng baby?
Sabagay, puwede naman na silang magpakasal dahil pareho na silang nasa right age.





Comments