‘Di pa kuntento kina Joshua at Bimby… KRIS, GUSTONG MAG-AMPON NG BABY GIRL
- BULGAR
- Apr 26, 2021
- 1 min read
Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | April 26, 2021

Sa Facebook fan page ni Kris Aquino noong birthday ng anak niyang si Bimby, marami silang napag-usapan para malinawan ang kanilang mga followers.
Ang conversation na ito ng mag-ina ay bahagi ng 14th b-day celebration ni Bimby.
Sinagot at nilinaw ni Bimby ang ilang issues na ibinabato sa kanya ng mga bashers.
Nilinaw din niya ang status ng relasyon nila ng kanyang biological father na si James Yap at aniya ay hindi siya galit sa kanyang dad, pero mukhang malayo ang loob niya rito.
Matagal na panahon daw kasi na hindi man lang nag-attempt si James na tawagan siya sa kanyang cellphone para mangumusta, kaya hindi na rin niya gaanong na-miss ito.
Never naman daw na pinagbawalan siya ng kanyang Mommy Kris na makita-makasama ang kanyang dad.
In passing, nabanggit ni Bimby na gusto ng kanyang mom na mag-adopt ng isang baby girl. Buwelta naman ni Kris sa anak ay si Bimby ang may gustong mag-ampon sila ng baby girl.
Ang ending, ang young actress na si Miles Ocampo na lang ang inari nilang adopted daughter ni Kris.
Sobrang napamahal kina Kris at Bimby ang young actress kaya itinuring na siyang parte ng kanilang pamilya.
Maraming magagandang traits si Miles na gustung-gusto nina Bimby at Kris. Kung puwede nga raw ay ito na ang maging nobya ni Bimby.





Comments