'Di obyus na may pinagdaraanan… MARIS, FRESH KAHIT KABE-BREAK LANG KAY RICO
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 14, 2024

Isa pala sa mga naapektuhan sa hiwalayang Maris Racal at Rico Blanco ay ang Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez.
Ilang oras lang matapos ang pagkumpirma ni Maris na tapos na ang lahat sa kanila ng Rivermaya vocalist ay kaagad nag-tweet si Bianca sa kanyang X (dating Twitter) account at inaming apektado siya sa breakup news ng dalawa.
“Ngl (not gonna lie), affected ako sa Rico and Maris breakup news,” tweet ni Bianca.
Marami namang netizens ang nagpahayag na ganu’n din ang kanilang nararamdaman.
“Same here, grabeng luha na tumulo,” komento ng isang X user.
“Same here, Ms. Bianca, ang bigat ng puso ko (heartbroken emoji),” sey naman ng isa pa.
“I can’t even sleep, love them so much,” reaksiyon naman ng isang fan.
“All of us are dead (crying emoji),” reply naman ng isa pang netizen.
Pero sa totoo lang, wala sa hitsura ni Maris Racal na kagagaling lang niya sa breakup, huh! Parang ang fresh ng aura niya kahit na nga ba umiiyak siya habang ina-announce ang split-up.
Oh, well. . .





Comments