top of page
Search
  • BULGAR

'Di niya talaga love kahit i-repeat pa nila… GUWAPONG AKTOR, INSECURE, GALIT NA GALIT 'PAG NASASAPAWAN NG GF NA SIKAT NA AKTRES

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 13, 2024


BLIND ITEM:


Nakakaloka naman pala ang pagiging insecure ng sikat na aktor na mataas ang ambisyon at may pagka-self-centered.


Maraming kaibigan nila ng ex-GF niyang sikat na aktres ang nagpapatunay na mas mahal ng sikat na aktor ang sarili kesa sa girl. 


Kapag daw kasi may mga projects sila together ng sikat na aktres-GF, nakikipagkumpitensiya sa exposure at sa billing itong sikat na aktor. Gusto rin niyang siya lagi ang bida at mas angat sa aktres at kapag nasasapawan siya sa kasikatan ng GF, galit na galit siya at feeling niya, natatapakan ang kanyang pride.


Kaya naman natauhan na ang sikat na aktres na hindi talaga siya totoong love ng BF na aktor dahil mas mahal nito ang career kesa sa kanya. Hindi siya priority ng guy at puro ang ambisyon nito ang iniisip.


So, wala nang balikang maaasahan sa dalawa dahil kahit ulitin pa nila ang kanilang relasyon, ganu'n lang din ang mangyayari.

 

 


Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page