‘Di napikon sa ‘ampon’… MATET, TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA
- BULGAR

- Jun 1
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 1, 2026

Photo: FB Matet
Inalmahan ni Matet de Leon ang isang basher na nagsabing bipolar siya at sinabing magsasagawa siya ng aksiyon tungkol dito.
Sa guesting ng aktres sa i-Listen podcast ni Kara David, aniya ay sanay na siya sa mga bashing pero iba na kapag masyado nang foul o nakakabastos.
“‘Ganyan talaga ang ‘bifolar’, selfish,’ ‘yun ang sabi n’ya (basher). Bifolar, ha, ‘di bipolar,” kuwento ni Matet.
Ang panganay na anak daw niya ang nagalit kaya may gagawin silang aksiyon about it.
“‘Di rin ako napikon du’n pero nagalit ‘yung panganay ko, so we’re going to do something about it,” aniya.
Naitanong din kay Matet kung ano ang pakiramdam niya na lagi na lang sinasabi ng mga tao na ampon siya at sey ng aktres, “Nakakaumay na nga, eh.”
Bata pa lang daw siya ay ito na ang laging ibinabato sa kanya ng mga tao, kahit noong wala pang social media.
Mismong ang mga drivers and helpers nila sa bahay ang nagsasabing ampon siya at putok sa buho.
As we all know, si Matet ang pangalawang ampon ng yumaong Superstar na si Nora Aunor. Si Lotlot de Leon ang nauna sa kanya at pagkatapos niya ay nag-ampon pang muli si Ate Guy ng dalawang lalaki na sina Kenneth at Kiko.
May isang biological son si Guy sa ex-husband na si Christopher de Leon, si Ian de Leon.
Sey ni Matet de Leon, hindi na raw siya napipikon sa ‘ampon issue’ dahil nasanay na siya pero minsan ay nakikipagbardagulan din siya sa mga fans.
DAHIL nga katatapos lang ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS), nagkaroon ng time si Bianca Umali na magpahinga at mag-enjoy sa isang out of town camping.
Siyempre, kasama niya ang boyfriend na si Ruru Madrid.
Ipinost ng aktor ang mga larawan na kuha mula sa kanilang camping at simpleng caption niya: “I’m home.”
Makikita nga sa larawan ang pagtutulungan nilang mag-setup ng awning, ang pag-watch nila ng sunset together, ang quiet relaxation kung saan ay nakaupo lang sila at pinapanood lang ang nature sa paligid nila, at iba pang mga ganap.
Actually, mapapansin nga sa Instagram (IG) feeds ng dalawa na medyo matagal-tagal na rin silang walang photos na magkasama dahil na rin sa pareho silang busy sa kani-kanilang work. May mga nang-intriga na nga na baka break na sila.
Nakatakda ring magbakasyon ang isa pang bida ng ECS na si Gabbi Garcia.
Lilipad ang aktres patungong France naman next week, and this time ay hindi niya kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos.
Sey ni Gabbi sa panayam sa 24-Oras, gift daw niya sa kanyang sarili ang naturang travel.
“After my work in Paris, I’ll be extending for a solo trip naman. So parang gift ko s’ya sa sarili ko for my late 20s,” aniya.
Ayon sa aktres ay dadalo siya sa French Open sa nasabing bansa at wish niyang makita roon ang kanyang mga favorite tennis players.
“Hopefully, makanood ako ng mga favorite kong tennis players, makita ko sila in person,” sey ng aktres.





Comments