top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Di napigilan ng pandemic… KASALANG ARA-DAVE, SA ABRIL NA SA BAGUIO

BULGAR
Mar 29, 2021
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 29, 2021




Good vibes ang hatid ng convo nina Ara Mina at Patrick Meneses na ikinatuwa ng mga nakabasa sa Instagram account ng aktres.


Ipinost kasi ni Ara ang tila invitation para sa wedding nila ni Dave Almarinez, pero ang nakasulat ay “DH Dave and Hazel’s wedding kit,” na may katabing powerbank.

Sa kasunod na piktyur, makikitang kaharap ni Ara ang maraming powerbank.


Nag-request si Patrick na padalhan siya ng ex-GF na nanay ng kanyang anak.


Aniya, “Wow, ang dami! Padalhan mo ako n’yan, ha. Hehehe.”


Sagot ni Ara, “Hahahaha, aba-aba, magaling! Bili ka sa Lazada naka-sale ngayon ang @vegepowerph.”


Sey naman ni Patrick, mas maganda raw kung bigay. Humirit pa ito ng “Kung sa akin lang ‘yan, eh, for sure, bibigyan ko kayo ni Dave.”


Sayang dahil emojis na lang ang sagot ni Ara.


Natuwa naman ang mga nakabasa dahil pinatunayan nina Ara at Patrick na puwede silang maging magkaibigan kahit hindi maganda ang naging ending ng kanilang relasyon.


Ang importante ngayon, friends sila at malaking bagay ito sa kanilang anak na si Amanda.


Samantala, nabalita noon na sa April na ang kasal nina Ara at Dave. Dahil April 1 na sa Thursday, kailan kaya ang exact wedding date ng mga ikakasal at totoo rin kaya na sa Baguio City ito gaganapin?






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page