'Di nakatiis, pumalag… RUFFA, NA-BAD TRIP NANG TAWAGING 'TITA' NG NETIZEN
Julie Bonifacio - @Winner | March 21, 2021

Pinalagan ni Ruffa Gutierrez ang pagtawag sa kanya ng "tita" ng netizen.
Nangyari 'yan dahil sa ipinost ni Maris Racal sa kanyang Instagram account kahapon.
Caption ni Maris sa kanyang IG post, "U make me feel special also, my room is 98% done."
Sino pa ba ang puwedeng isipin na tinutukoy niyang nagpapa-feeling special sa kanya? Siyempre, walang iba kundi ang napapabalitang boyfriend niya ngayon na si Rico Blanco.
Comment ni Ruffa, "I make you feel special?? Stay happy, Maris!"
Panay pasalamat naman ng mga fans/followers ni Maris kay Ruffa. They even asked Ruffa na siya na ang mag-'spill the bean' sa real score between Maris and Rico.
Feeling ng mga netizens, may alam si Ruffa sa kung paano naging close sina Rico at Maris.
Teka, ba't parang connect si Ruffa sa mga bagong relasyon na nabuo at na-reveal this year, ha? Una, kina Derek Ramsay and Ellen Adarna. Then, itong kina Maris at Rico.
Is she trying to play cupid among showbiz celebs? Habang ang kanyang sariling love life ay inaabangan na rin ng mga netizens after ng breakup nila ni Jordan Mouyal.
Is it true na may masugid na manliligaw ngayon si Ruffa?
Going back sa comment ni Ruffa sa IG post ni Maris, may netizen ang nag-reply sa dating beauty queen, "'Yung tita mong mahilig mang-asar 'pag may love life ka!! Hahaha cute!"
"Ate not tita! (with laughing and thumbs up emoji)," reply naman ni Ruffa.
Naku, ayaw pa ni Ruffa na mapasama sa grupo ng 'Titas of Manila.'
Oo naman. Masyado pang bata si Ruffa para matawag at mapasama sa 'Titas of Manila,' 'no!





Comments