'Di nakatiis, pinatawad din ang mister… KYLIE AT ALJUR, NAGKABALIKAN NA, AYAW PA LANG UMAMIN
- BULGAR
- Aug 31, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 31, 2021

Hindi pa kinukumpirma nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, pero marami ang nagsasabing nagkabalikan na ang nagkahiwalay na mag-asawa.
Mukhang pinatawad na ni Kylie ang kanyang mister at binigyan ng second (O third? - JDN) chance.
Hinahanap-hanap din kasi ng kanilang dalawang anak si Aljur at gusto ng mga bata na laging kasama ang kanilang papa.
Ayaw pang magbigay ng pahayag sa media nina Kylie at Aljur tungkol sa status ng kanilang relasyon ngayon. Pero kung pagbabasehan ang mga larawan ngayon ni Kylie sa kanyang post sa social media, masaya at tahimik na ang buhay niya.
'Yun naman ang gusto ng mga taong nagmamahal sa kanila, sila na rin ang dapat na umayos ng kanilang mga problema bilang mag-asawa, lalo na't may mga anak silang dapat na protektahan.
For sure, kahit na si Robin Padilla ay 'yun din ang gustong mangyari — magkaayos at magkabalikang muli sina Kylie at Aljur.
Bahagi ng buhay-may-asawa ang mga pagsubok. Kailangang maging matatag sina Kylie at Aljur.





Comments