‘Di nakatiis, Ion… VICE GANDA, NAGPATUTSADA SA MGA ‘AHAS’ NU’NG V-DAY

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 15, 2021

Masaya kaya ang naging Valentine’s Day nina Vice Ganda at Ion Perez?
Ito ang naiintrigang tanong ng ilang followers ni Vice sa kanyang Twitter account.
Bago kasi nag-Feb. 14 o Araw ng mga Puso, tila may ‘hugot’ tweet ang Unkabogable Star sa kanyang Twitter account tungkol sa mga ‘mang-aagaw’ o ‘yung ‘ika nga ay ‘ahas’ o anaconda.
Makahulugang tweet ni Vice nu’ng February 11, “Malapit na mag-Feb. 14. Madami nang nagkukumahog sa pag-awra para umabot. Pati mga ahas, porshur (for sure) double time sa pandadaot.”
Dahil sa tweet na ‘yan ni Vice, may mga nag-isip tuloy kung may pinapatutsadahan ba siyang nag-a-attempt na ahasin sa kanya ang BF na si Ion.
Bagama’t open naman kasi sa publiko ang kanilang relasyon, marami pa rin ang nagpapantasya kay Ion Perez dahil sa taglay nitong kaguwapuhan at ganda ng katawan.
Kaya hindi rin siguro dapat magpakakampante si Vice Ganda dahil baka any monument (read: any moment) ay maagaw pa sa kanya ang kanyang Papa Ion.
‘Yun na!





Comments