‘Di naging masaya sa pamilya… CRISTINE, TRAUMATIC ANG DINANAS NU’NG KABATAAN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 2, 2024

Malungkot at traumatic pala ang childhood na pinagdaanan ni Cristine Reyes, kaya naman pala may mga mood swings siya at mahirap ispelengin ang kanyang ugali.
Ayon na rin sa kanyang kuwento, ipinaampon daw siya noon ng kanyang biological mom nang mag-OFW ito.
Sa kanyang adoptive parents lumaki at nagkaisip si Cristine, pero habang nasa poder daw siya nito, hindi nagsasalita si Cristine kapag nasa bahay siya. At kapag nasa school na ay saka siya nagsasalita at nakakausap.
Nang mag-artista na ay dala-dala pa rin ni Cristine ang kanyang kakaibang ugali. Ngunit, unti-unti ay natutunan niyang mag-adjust at tanggapin ang kanyang nakaraan.
Sa ngayon, nasa piling na siya ni Marco Gumabao kaya masayang-masaya na si Cristine Reyes. Natagpuan na niya ang taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Hindi na siya magiging bitter sa buhay.





Comments