‘Di nag-promote ng MMFF movie dahil sa cheating scandal nila ni Anthony… MARIS, WALANG BONUS KAY VICE GANDA
- BULGAR
- Feb 7
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 7, 2025
Photo: Vice Ganda at Maris Racal - IG
Guest si Maris Racal sa It’s Showtime (IS) noong February 5 sa segment na Tagokanta.
Siya ang partner ng contestant para hulaan ang mystery singer.
Pero bago ‘yun, sinabi ni Maris kay Vice Ganda na magsasalita na raw siya. Pinigilan siya ng Unkabogable Phenomenal Star, pero hindi rin napigilan ng TV host ang Incognito actress.
Aniya, “Ate, sorry, hindi ako nakapag-promote,” na ikinahagalpak ng studio audience.
Nag-apologize si Maris dahil hindi siya nakasama sa pagpo-promote ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 entry na And The Breadwinner Is… (ATBI) na pinagbidahan ni Vice at naging top-grosser sa naturang filmfest. Kasama si Maris sa pelikula bilang kapatid ni Meme Vice.
Hindi nakapag-promote ang aktres dahil kasagsagan ng cheating scandal nila noon ni Anthony Jennings.
Anyway, may sinabi rin si Meme Vice kay Maris. Pakli nito, “‘Wag kang mag-alala, wala kang bonus.”
Napasaya ni Maris ang partner niya sa Tagokanta dahil natukoy niya kung sino ang mystery singer sa tatlong participant singers. Si Morissette Amon ang nahulaan ng aktres.
FRONT act si Martin Nievera sa concert ni TJ Monterde kamakailan. Hindi napigilan na maging emosyonal ang Concert King nang magbigay ng mensahe sa mister ni KZ Tandingan.
Maging si TJ ay naiyak din sa mensahe sa kanya ni Martin. Naikuwento kasi ng Concert King kung bakit siya ang naging front act sa concert ni TJ.
Sinorpresa ni Martin ang mga nanood sa ikatlong gabi ng concert ni TJ.
Ani Martin, “He came out every single CD promo and started the show the way I do it right now. So I thought maybe, one day I could return the favor…”
Nang matapos ang performance ni Martin, muli silang nagkaiyakan ni TJ sa backstage, kung saan lalong pinalakas ng una ang loob ng huli at sinabi kung gaano siya ka-proud sa narating ng singer na noon ay nangangarap lang na magtagumpay sa larangan ng musika.
Malapit din si Martin sa mag-asawa. Kung matatandaan, noong pandemic ay ikinasal si KZ kay TJ at si Martin ang tumayong ama para ihatid ang kanyang anak-anakan at iabot ang kamay kay TJ. Hindi kasi nakadalo ang mga magulang ng Asia’s Soul Supreme na nasa probinsiya.
Naging popular si TJ dahil sa kanyang mga hit songs tulad ng Ikaw at Ako, Puhon, Sariling Mundo, at marami pang iba.
Matatandaang naging soundtrack din ng pelikulang Hello, Love, Again (HLA) ang duet nila ni KZ sa awiting Palagi.
Sa dami ng tumangkilik sa naturang awitin, nagwagi ito bilang #1 song ng 2024 sa Billboard Philippines.
Tinanggap nila ni KZ Tandingan ang naturang award sa ikatlong gabi ng kanyang concert kamakailan sa Araneta Coliseum.
Bukod dito, kinilala rin si TJ as the first Filipino male artist na nag-soldout ang three consecutive nights ng concert sa Big Dome.
Ex-mister, todo-eksena pa rin…
YAMAN NI BARBIE HSU, MAHAHATI SA BAGONG ASAWA AT 2 ANAK
KONTROBERSIYAL ang post ng ex-husband ni Barbie ‘Shan Cai’ Hsu na si Wang Xiaofei, isang Chinese businessman.
Ang kanyang mensahe, “Wifey, I miss you so much,” at “I should be the one who died.”
Agad na nag-viral ang mensahe ni Wang na naka-post sa Weibo.
Ayon sa media platform na Dimsum Daily, hindi umano naniniwala ang mga netizens na genuine ang pag-display ng affection ng ex-husband kay Shan Cai.
Komento ng isang netizen, “Delayed love is worth less than grass.”
May ilan ding nagtanong kung bakit tinatawag pa rin niyang ‘Wifey’ si Barbie, lalo na’t kasal na siya sa iba.
Sina Wang at Barbie ay nag-divorce noong 2021, at muling nagpakasal ang Taiwanese actress sa South Korean musician na si DJ Koo nu’ng 2022.
Bago pumanaw si Barbie, nagpadala pa siya ng tribute sa kanyang asawang musician. ‘Yun ang huling post ni Shan Cai sa kanyang Instagram account.
Samantala, nag-share naman si DJ Koo ng final kiss niya with Barbie Hsu bilang pamamaalam sa namayapang misis.
Ang cremation ceremony ay ginanap sa Tokyo at ibinahagi ito sa social media ng mga kaibigan ng celebrity couple.
May mga concerned netizens ang nagtatanong kung kaninong custody mapupunta ang dalawang anak ng Taiwanese actress.
Ayon sa Ta Kung Pao (Chinese newspy), naniniwala ang ilang legal experts na mas may karapatan si Wang sa custody dahil ito ang tunay na ama ng dalawang bata.
Kanino naman daw mapupunta ang yaman ni Barbie Hsu na multi-million dollar estate?
Ayon sa mga legal experts, ang assets ng Taiwanese actress ay inaasahang mahahati sa kanyang asawang si DJ Koo at sa dalawa niyang anak, alinsunod sa batas.
Comments